Chapter 72

997 30 3
                                    

-MYCA-

"Ma'am Myca, pinapatawag po kayo ni Sir Eli. Puntahan niyo raw po siya sa garden."

Natigil ako sa pagtalop ng mangga at napaangat ng tingin kay Len.

"Bakit daw?"

"Hindi po sinabi, eh."

Hmm. Bakit kaya? Wala namang nabanggit kaninang agahan si Dad na gusto niya akong kausapin.

"Okay sige. Puntahan ko na lang. Hmm, Len? Pwedeng ikaw na lang magtuloy nito? Thank you!" sabi ko at ibinigay sakanya ang peeler at dalawang piraso ng malalaking manggang hilaw na binili namin ni Vince.

Nakangiting kinuha niya ang mga iyon at pagkatapos ay tiningnan lang niya ako – yung tingin na parang may alam pero hindi na siya nagtanong.

Naiiling na lumabas ako ng kwarto at naglakad papunta sa garden.

Nadatnan ko si Dad na may hawak na diyaryo at busy sa pagbabasa.

"Dad..." mahinang tawag ko kaya napatingin siya sa akin. Lumapit ako sakanya at hinalikan ko siya sa pisngi at umupo ako sa upuan sa tabi niya.

"Pinatawag niyo raw po ako?"

Nakangiting ibinaba niya yung diyaryong hawak niya at pagkatapos ay tiningnan ako.

"I just want to talk to my unica hija... How are you, Myca?"

Napangiti ako. Simula noong bumalik ako sa amin, naging close na kami ni Dad. Dati kasi ang brat ko dahil pakiramdam ko sobrang higpit nila sa akin pero ngayon na-appreciate ko na 'yon dahil alam kong mahal na mahal nila ako.

"I'm okay, Dad. Medyo pagod lang sa opisina but I'm good! Kita mo ang dami na ulit nating investors? Tapos pasado rin sa Board yung mga proposals natin! Sana magtuloy-tuloy," nakangiting sabi ko.

"Kung alam ko lang na madadaan sa mga pagngiti-ngiti mo yung mga ka-meeting ko, sana dati pa sinama na kita," nagbibirong sabi ni Dad.

Natawa ako.

"Dad naman, eh. Minsan lang ako pwedeng sumama. Kasi baka malaman ni Vince, magselos pa. Patay na patay sa akin 'yun, eh," sabi ko at humagikgik.

Si Dad naman ang natawa.

"Speaking of Vince, kumusta kayong dalawa? May dapat ba kaming malaman ng Mommy mo?" kapagkuwa'y seryosong tanong ni Dad.

Bigla akong kinabahan at napalunok.

"W-Wala po, Dad! We're super okay. Busy kami pareho pero may time pa rin naman kami sa isa't isa. Kita mo nga bigla niya akong kinidnap, di ba?"

Kaso matatawag bang kidnap yun kung may basbas ng magulang ko? Ah, ewan.

"Hmm... That's good to know. Hindi ka naman ba sakit ng ulo kay Vince? You could be really stubborn sometimes, anak."

Nanlaki ang mga mata ko sa paratang ni Dad!

"Hala! Dad! Bakit ganyan ang tingin mo sa akin?! Pinalaki niyo kaya akong isang prim and proper na babae," nakangising sabi ko.

Humalakhak lang si Dad at pagkatapos ay matamang tinitigan ako.

"You have indeed grown into a beautiful and fine lady, Myca Rian. Your Mom and I will always be proud of you. You know that, don't you?" aniyang parang may namumuong luha sa mata.

Hindi ko alam bakit pero parang maiiyak na rin ako. Tumayo ako at nilapitan si Dad saka siya niyakap.

"Alam ko po, Dad. Thank you. Proud din po ako na kayo ni Mommy ang mga magulang ko. Sobrang swerte ko po."

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeWhere stories live. Discover now