PART 55.2

663 32 26
                                    


Napamura na lang nang malutong si Sigma. "Ikaw!" nagtatalo ang mangha at di-makapaniwalang reaksyon sa mukha niya dahil sa lalaking nasa kanyang harapan. Kahit nanghihina at nahihilo pa siya mula sa tinurok ng mga ito ay hindi niya mapigilan ang silakbo ng damdamin niya. Gusto niyang dakmain ang leeg nito at pilipitin hanggang sa bawian ito ng hininga.

"Easy," natatawang sabi ng isang lalaking may pilat sa mukha habang palapit sa kanya.

Nilabot niya ang paningin at nakita ang babaing nakalaban kanina kasama sina Ego at ilang miyembro na hindi niya mamukhaan. Hindi niya alam kung nasaan siya. Maluwang ang lugar at malinis. May mga upuan at mesang may ilang bote ng alak na nakapatong. Sa tantya niya ay may labing-limang katao sa kinarorooonan niya.

"Wow!," namamanghang sabi ng lalaking may pilat sa mukha. Matangkad ito at may kayumangging-kulay. Sakto lang ang pangangatawan nito at naglalaro mula trenta hanggang trentay singko ang edad. "Ang kinakatakutang si Sigma."

Nakipagsukatan si Sigma ng tingin sa lalaki. "Pakawalan mo ko dito, wag kang duwag!" nanggagalaiting sabi niya.

Napailing na lang ang lalaki. Tila nakikisimpatya ang mukha nito. "Wag kang magalit sa amin. Sumusunod lang kami sa utos. Tsaka wag kang mag-alala, makakalabas ka rin dito ng buhay," anito na tinapik pa ang balikat niya.

"Huwag mo kong hawakan," pagbabanta niya. Nakakadena ang dalawang kamay niya sa dalawang poste ganun din ang mga paa niya kaya imposible siyang makawala. Ramdam niya ang panghihina mula sa mga binti niya at mukhang bibigay ang mga ito sa anumang oras mula sa pagkakatayo. Umaagos pa ang sariwang dugo sa pisngi niya dala ng pakikipagbuno kanina. Hindi niya maramdaman ang hapdi ng mga natamo dahil mas matindi ang poot na nararamdaman niya. Nagawa pa niyang ngisihan ang lalaki sa kabila ng estado. "Sa tingin mo, mabubuhay ka pa pagbinuhay mo ako?" maangas niyang sabi.

Dahan-dahang napangiti ang lalaki. Ilang Segundo rin itong nangingiti lang hanggang sa walang babalang siniko nito ang mukha ni Sigma. Napaigik na lang si Sigma at lalong nanghina sa ginawa nito. "Wag kang masyadong matapang. Konti lang ang pasensya ko," anito. Napasigaw na lang ito nang di makayanan ang inis niya. Totoong maliit lang ang pasensya nito kaya pigil na pigil itong huwag tuluyang basagin ang bungo ni Sigma.

Maya-maya pa ay tumawa na lang ito. "Sigma, sigma..." sambit niya na akala mo ay isang liriko. Pumantay ito sa mukha ni Sigma habang nakangiti ng nakakaloko. Tinampal-tampal nito ang mukha ni Sigma. "Gustong-gusto ko ang angas mo," anito. "Pasalamat ka at wala pang utos sa itaas," anito sabay pitik sa noo niya.

Tumayo ito nang tuwid at kinuha ang pakete ng sigarilyo sa bulsa. Kumuha ito ng isa at sinidihan. "Kayo na muna ang bahala sa kanya. Hindi magandang magsama kami," anito tsaka binuga ang usok sa mukha niya.

"Pwe," diniruan ni Sigma ang lalaking may pilat sa mukha. Umabot iyon sa suot na pantalon nito at may halong pulang likido.

"Tang---!"

Susugurin sana nito si Sigma nang biglang pumagitna ang babae. Nagkatitigan lamang sila. Napamura na lang ulit ang lalaki. Itanapon nito ang sigarilyo sa katawan ni Sigma. Naglakad-lakad ito. Nang tila nahimasmasan ay ngumiti ulit ang lalaki. Nagtaas ito ng kamay tanda ng pagsuko. "Kayo na ang bahala," anito bago tuluyang umalis kasama ilan. Pagkatapos maubos ang sigarilyo ng babae ay umalis na rin ito. Maya-maya pa ay sinenyasan ni Ego ang ilan na lumabas muna. Isang mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Nagpakiramdaman.

"Hindi ako makapaniwala. Sa lahat ng magiging ahas ikaw pa," nanunuyang sabi ni Sigma. "Hindi na ako magtataka d'yan sa kasama mo. Matagal ng duwag 'yan," tukoy nito kay Ego na binalewala lang ang patutsa niya.

"Damn choices, bro," ani Q. Wala na ang ngiting laging nakadekorasyon sa kanyang labi.

"Pwe!" Dinura ni Sigma ang nalalasan niyang dugo sa kanyang labi. "Nakakaawa ka naman."

THE BLACK DEMON'S HEARTWo Geschichten leben. Entdecke jetzt