PART 1 ~ BANGUNGOT

8.8K 165 12
                                    

I'm sooo excited....this is for ms. Alesana_Marie who's my inspiration to write my new story. di aq umaasang mababasa niya ito pero I really like to dedicate this to her. sa kababasa q ng story nia, walang tayuan at kurapan ay nagicng ang mga nangingitim na brain cells q...love ms. ales....

enjoy..*wink*

...............

"Otso ka nanam. Ang hirap mo namang tanggalin. Playing hard to get ka pa."

Kanina pa ako umaatungal sa bwisit na mantsang 'to. Love na love ang tiled floor at ayaw patanggal. Wala pa naman akong kahit na anong pwedeng pangtanggal na chemicals. Naubusan eh.

"Maawa ka nga sa kagandahan ko," kausap ko sa mantsa. Malapit nang gumabi at narito pa rin ako sa library at nagkukuskos ng sahig.

Hindi ako proud na nasa paaralan ako ng mga mayayaman. Ayokong mag-aral sa ganitong paaralan na walang ibang alam gawin kundi magpalakasan ng hangin, mang-bully at mang apak nang katulad kong sa paningin nila ay pulubi.

Sa kasamaang-palad, pinagtaksilan ako ng aking pamilya.T__T

Ito raw ang nararapat para sa akin. Ito na raw ang chance namin para guminhawa ang aming buhay. Swerte raw ang makapasok sa ganitong paaralan, na hindi alam ng lahat na puro delinquent, bitch at halimaw ang mga estudyante rito. Actually hindi ako dapat dito napadpad. Sa St. Raymund University dapat ako ipapasok ni ninong ko na isang VIP guard daw ng mga Villarin. Kung doon ako napadpad ok pa eh, dahil ayon sa alingasngas ay asal tao daw kahit papaano ang mga nilalang do'n, saka assistant liblarian sana ako ro'n, pero may umagaw sa trono ko. Palakasan pala do'n.

Kaya ito ako, dito natapon. Ito ang Second choice ng mga mayayamang hindi nakapasok sa SRU. Ang kaso karamihan dito delingkwente, halimaw. Kaya ingat na ingat ako rito nang hindi ma-disappoint ang pamilya ko na pinangalandakan na sa buong Baguio na dito sa Everest University ako nag-aaral.

Pangarap ng parents ko na makapasok ako sa pangmayamang iskul dahil, baka dito ko raw masilayan ang Prince Charming ko. At kung wala man daw, mang-akit na lang.

Dios mio marimar! Que barbaridad!

Hindi naman ako bitter sa mga mayayaman, malayo lang talaga sa katotohanan ang status ko sa kanila. Hindi nga ako nakikihalubilo sa kanila, nakakadugo lang naman kasi ng tainga ang walang humpay na payabangan ng mga tao rito. Isa pa walang mag-aaksayang makipagkaibigan sa'kin.

Ngayon kailangan kong bilisan ang paglilinis dahil marami pa akong gagawin. May raket pa kami mamaya. Sabi ng mga kaibigan ko ang swerte ko raw at nakapasok ako rito. Swerte bang matatawag 'to? Ang pagiging isang dakilang janitress ng paaralang ito? T^T

Naalala ko na naman kung paano ako ipagkanulo ng pamilya ko. Wahhh.... Grabe lungs! Hindi man ako ang top one sa klase pero sikat ako sa iskul namin, hinahangan, at kinakaibigan. Pero dito malayo ang katayuan ko. Tagalinis ng classroom, pasilyo , kubeta, library and many to mention ang drama ko.

Nakaisang taon na ako rito, biruin n'yo 'yon. Isang taon nang parang hindi ako nag-eexist sa mundo. Isa akong kabute, bula at invisible man sa paaralang 'to. Mahirap ng mapansin at baka mawasak pa ang kinabukasan ko.

Sa ngayon wala akong problema, maliban dito sa malanding stain na 'to na naka-superglue sa tiles.

Sinipsip ko muna ang strawberry flavor kong lollipop saka inikot ang cap kong suot.  

Ayaw sa santong dasalan kaya daanin sa santong paspasan.

Pumurma ako para sa technique na gagawin ko. Kailangan kong maglabas ng sapat na chakra. Gumawa ako ng orasyon gamit ang mga daliri. Iyong tipong ginagamit ng mga ninja.

THE BLACK DEMON'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon