Part 46.2 ~

1.4K 46 17
                                    

Hiiiiiiiii guysss!!! Here's my holloween treat! XD Sorry po at napakakupad ko mag-update. Mahirap na kasi magprocess ang utak ko sa pagsusulat. Hahaha. Char. Happy.......reading! lols


Enjoy reading!


...........


Ahg, bakit ba ang bigat bigat ng mga mata ko? Kanina ko pa gustong imulat pero ayaw niya. Gusto ko nang gumising pero ayaw rin ng katawan ko. Kahit anong pilit ko ay natatalo ako ng antok. Maya-maya pa ay unti-unting bumibigay na sa kadiliman ang diwa ko. Ang maliit na kamalayan ko ay ginagapos na nang tuluyan. Marahil ay kailangan ko pa talagang itulog 'to.....pero teka...teka....hindi ako dapat magpatalo sa antok na ito. Ang sabi nila ay hindi gumagana ang pang-amoy mo pagtulog ka pero nakakaamoy na ako, may mga kaluskos na rin akong naririnig. Gising na ko at gigising na talaga ako lalo na't nakakabuhay ng dugo yung amoy.

"Tol luto na 'yung manok."

Manok!

Food is life kaya hindi ako papatalo sa antok na to.

Wag kang matulog Syn. Wag kang matulog Syn, tila mantra kong inuukilkil sa ulirat ko.

At dahil malakas na motivation ang amoy ng manok ay nakaya kong talunin ang dilim. Muahahaha!

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Nasilaw ako sa liwanag kaya pumikit ulit ako hanggang sa unti unting naka-adjust ang paningin ko. Umupo ako mula sa pagkakahiga sa malambot na sofa. Otso, ang gara naman ng upuang ito.

Kinusot ko ang mga mata ko tsaka ko ginala ang mga ito. Unang pumasok talaga sa kukute ko ay ang pagkaing nalalanghap ko. Nakakagutom ang amoy niya. Mabilis kong natukoy ang pinaggagalingan ng amoy. Pagganitong mga pagkain gumagana ang mga animalistic senses ko. Gnayan talaga pag-PG. Patay-gutom lang. Muahahahaha!

Napansin ako ng dalawang lalaking busy sa paglamon. Nag-initiate sila ng eye to eye contact at hindi ko alam kung kanino ako papatol. Hindi naman pwedeng i-split ko yung paningin ko para sa kanilang dalawa kaya sa manok na lang ako nakipag eye to leg. Kahit legs lang ito ay mas gusto ko pang makipagtitigan dito. Ang lutong lutong niyang tignan. Nagkrukrukru na talaga ang aking tyan. T^T

"Uy, gising na oh," sabi ng isa na may pakalabit pa sa kasama. Mukha namang matino ang itsura nito.

Nilunok nang kasama niya ang sinubong pagkain tsaka nagsalita. "Hayaan mo siya. Di naman makakatakas 'yan." Ito naman mukhang suplado. Semi-kalbo ito singkit ang mga mata. Ang talim-talim niya makatingin.

Teka...takas?

Biglang rumagasa ang mga pangyayari sa utak ko. Para akong nanonood ng pelikula na nirewind.

Tama.

Sakay ako ng mamahaling kotse nang biglang may humarang sa daraanan namin. Mabilis na nagsibabaan ang mga lalaking naka-itim na may hawak na mga armas. Nakipagbunuan sila sa mga bodyguards ko na puro mukhang bouncer. Pero dahil linya na nila ang ganitong gawain ay nakaya nilang itumba lahat ng private bodyguards ko at pilit akong dinala. Nanlaban ako pero mas malakas sila at unti-unti akong nawalan ng malay nang may kung anong kemikal akong naamoy mula sa panyong pinantakip sa akin. Nagising na lang ako sa isang lumang gusali at doon ay nakipagtransaksyon sila sa papa ko at humihingi ng sampung milyon kapalit ng buhay ko!

Oh my gas! Nakakatakot to. Nasa bingit ako ng kamatayan.,.


Pero teka....maalala ko lang...

THE BLACK DEMON'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon