PART 4 ~ KUTA

5K 114 4
                                    

i'm really flattered...si Shine ang dahilan kaya pinilit qng mag-UD..hehe

....................

Hay kakapagod. Sino kayang walang magawang nag-vandal sa powder room ng girls? Tsk. Napalaban ako do'n ah.

Tumunog ang evil laugh na ringing tone ko. Kinapa ko ang cellphone sa palda ko.

( PAMILYA COH CALLING)

"Hello ma," excited at nakangiti kong sabi.

"Hello, anak kamusta na?"

"Prinsesa ko ayos ka lang ba d'yan," biglang singit ni papa.

"Ate, miss na kita," nakikipag-agawang sabi ni Santi.

"Tumahimik nga kayo dyan," saway ni mama sa dalawa.

Namiss ko tuloy sila nang sobra-sobra. Ilang buwan na rin ang nakaraan nang umuwi ako at tuwing bakasyon lang ako nakakauwi.

"Oh anak ano na? Hindi ka na umimik," may pag-aalala sa boses ni mama.

Napangiti ako na naluluha. " Ma miss ko na po kayong lahat. Uwi na lang po ako d'yan."

"Uuwi? Sasayanganin mo lang ang oputunidad at ganda mo kung uuwi ka dito," mataas ang tono na sabi mama. " Bah! Kami rin naman anak namimiss ka na namin eh. Tiis lang anak," napalitan iyon ng malungkot na tinig. " Oo nga pala may nahanap ka na bang mayaman? Dapat kasi sa SRU ka. Balita ko mas mayayaman ang mga tao ro'n," biglang kambyo niya.

"Ma... "angal ko. Kumibot-kibot pa ang labi ko sa pagprotesta.

"Honey ano ba naman 'yang tanong mo...."

"Aahh, tumahimik ka nga d'yan," bulong ni mama kay papa pero dinig ko pa rin naman.

"Ate miss na kita," singit na naman ni Santi.

Maya-maya pa mukhang nag-aagawan na sila sa cell phone hanggang sa maputol na ang linya. Kahit kailan talaga ang kukulit nila. Kahit mahirap lang kami masaya kami sa bahay. Gusto ko na talagang umuwi.

Hay! Kung hindi lang sa pamilya ko. Uuwi na lang ako at magtatanim ng strawberry.Tinago ko na ang phone ko. Hindi na tatawag ang mga 'yon. Madalang pa sa ulan kung makapag-load sila tapos nasayang lang. Di bale masaya na akong marinig ang boses nila.

"Where did you hide rug doll?"

"Ay putakti!" nagulat ako sa biglang litaw na si X.

Ang Black Demons ay nakatambay lang naman sa main gate. Ako ba ang hinihintay ng mga 'to?

"Hep! Hep!" tinaas ko ang kamay ko. "Pagabi na. Sa susunod niyo na ako pagtripan, magsi-six na oh," pinakita ko pa ang imitation kong relo.

THE BLACK DEMON'S HEARTTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang