PART 26 ~ MALAS

4K 88 15
                                    

hi guys..bereeeee late update..xD soreee..umaaray c puso eh..lels..XD

dedicated ang chapter na to sa lahat ng naghihintay sa TBDH. "SALAMAT"

enjoy! ^^

......

Nakakapagod. Mabuti na lang at naawa sa akin si banana-Q at binigyan ako ng pamasahe pauwi. Malapit na yatang bumigay 'tong katawan ko. Nakakaawa naman ako. T^T

Napahawak ako sa poste nang biglang namigat ang talukap ko. Inaantok na ako sa sobrang pagod. Matulog na kaya ako rito. Parang hindi na ako aabot sa bahay, eh. Ilang steps na nga lang, 58 steps....

  

"Val!"

"Ay bebeng nabalo!"

Nawala tuloy ang antok ko. Sino ba'ng lokong tumatawag kay boss?

Itinuloy ko na ang lakad ko, zombie walk.

"Val hindi ako aalish dito hanggat hindi mo ako kinakaushap," narinig kong sigaw na naman. Mukhang lashing, esti lasing.

Meron na namang tinakasang utang 'tong babaing 'to? Mahilig kasi mangutang, eh, 'tapos pag-walang pambayad tinatakasan.

"Wahahaha, halika na pare, di uubra 'yang drama mo," natatawang sabi ng kasama ng lalaking nagwawala. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi ko makilala.

"Tang*na naman pare, napaka-supportive mo," sabi naman n'ong isa. "Sa susunod hindi na kita tutulungan."

Niyakap siya ng kasama nito. "Di ka na mabiro pare. Alam mo namang I love you, eh."

Nangitim yata lahat ng ugat ko sa katawan nang mabosesan ko ang mga mokong. Tss..malas everywhere.

"Oh, Val na aking sinisinta...."  Nangharana na ang mga walang hiya. Hindi na sila kinilabutan sa alulong nila.

Lumapit ako sa kanila. Sobrang busy sila sa pag-alulong nila kaya hindi nila ako namalayan. Kinalabit ko ang naglalasing-lasingan.

"Pare naman, kanta ka na lang," sabi niya na hindi pinansin ang kalabit ko.

Napatingin naman ako sa kasama niya na nauulol na naman. Sa kinang ng mata pwede nang gawing chrismast light.

"Hoy, Caled...magpatulog ka nga," walang-gana kong sabi.

“Paksh&t!” gulat niyang mura.  “'Kaw pala 'yan Syn.  Hoo! Kagulat ka ha.”

Hinila ko ang tainga ng dalawa. "Anak ka ng nanay mo. Sinabihan na kita no'n na 'wag mong lolokohin si Val."

"A-ary naman, Syn. Kailan ka pa naging brutal?" nasasaktang sabi ni Caled.

  

Noong nakasama ko ang mga demonyo, gusto ko sanang sabihin pero sinarili ko na lang.

“'Ling ito talaga namiss ko sayo eh, 'yang cariño brutal mo," ngiting-ngiti pang sabi ng tigreng 'to.

THE BLACK DEMON'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon