PART 7 ~ TULOG

4.5K 109 4
                                    

Love love love! 

hope u guys like diz UD.

Enjoy everyone \^___^/

..................

Madilim na ang paligid at naroon pa rin siya sa harap ng bahay. Kanina pa siya giniginaw. Halu-halo na ang nararamdaman niya, pagod , puyat, lamig at problema. Hindi man siya makabingwit ng lalaking mayaman para sa pamilya niya atleast makapagtapos man lang siya sa paaralang 'yon. Kaya lang hindi na niya kaya. Mukhang bibigay na ang katawan niya. Nakasilong lang siya sa mayabong na halaman sa harap ng gate ng Black Demons. Hindi siya aalis do'n hanggat hindi niya nakakausap si X.

Kumuha siya ng suporta sa bakod. Tinukod niya ang kanyang kamay para hindi bumagsak ang katawan niya.

"Otso naman...Metor Garden ba 'to? Sanchai ang drama," naisip n'ya.

Mamatay na nga kung anu-ano pa ang naiisip. =_=

Nanlalabo na ang mata niya nang bumukas ang gate. Pinipilit niyang imulat ang mata kaya lang bumigay na talaga hanggang sa nawalan na siya ng malay. Hindi na n'ya alam kung saan s'ya bumagsak. Basta ang alam niya ay hindi siya nasaktan.

"F*CK.." pigil ang inis na sabi ni X.

"L get this rug doll," iritadong sabi ni X. Sa kanya kasi sumubsob si Syn nang palabas sila.

"Tss..That sucks bro," napapailing na sabi ni L.

"Buhatin mo na. Remember you lost,"nakangiting sabi ni Q habang pinapaikot ang hawak na payong.

Napamura na lang siya sa inis. Wala nang nagawa si L at binuhat na ang babaing sa paningin niya ay karima-rimarim....

......................

"Bro kung tititigan lang natin si Dora magdamag, baka manigas na 'yan sa lamig. And one more thing she's not a nice view," napapailing na wika ni D.

Nakapalibot silang lahat sa kasalukuyang nagdidileryong si Syn . Hindi man lang magawang kumutan.

Nagpalabunutan sila kung saang kwarto s'ya dadalhin. Kaya nasa kwarto sila ngayon ni L na halos magdilim ang paningin nang ang kwarto niya ang pinalad.

Ang problema na naman nila ay kung sino ang magbibibis kay Syn. Basang-basa ang damit niya at kailangang mapalitan. Ang masama puro sila lalaki at nagtuturuan pa sila kung sino ang gagawa.

"Mga bro, dahil wala sa ating makaatim na palitan 'tong si Rug rats. Daanin ulit sa bunutan," anunsyo ni F.

Sumang-ayon silang lahat. Bahala na ang kapalaran sa kanila.

"Shut up bro," singhal ni M kay H na nag-uusal ng Hail Mary.

Hinubad nila ang white gold na singsing na nasa hinliliit nila. May tatlong linyang paikot at sa ginta niyon ay may korteng letra, ang mga pangalan nila. Nilagay nila ang mga singsing sa isang box na nakakalat. Ano pa nga ba ang aasahan sa kwarto ni L?

Ang mga singsing na 'yon ang isa sa simbolo na isa kang Black Demons.

Pinagpapawisan silang lahat. Kabado. Hindi sila nakakaramdam ng ganoon sa mga gang fights nila pero ngayon halos hindi na sila makahinga.

"Takte naman oh,"nate-tense na sabi ni C.

Si X ang bumunot. Bilang lider ng grupo ay nasa kanya ang prebelehiyo.Nakatutok ang mata nila sa kanya. Kahit siya ay pinagpapawisan nang malapot. After 5 million years he picked up the not so fortunate ring.

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now