PART 4.2 ~ BLACK DEMONS

5.2K 122 16
                                    

"Aray naman..." nawala tuloy ang antok ko.

"Haha. You look like an anime. A chibi one."

"Mahilig ka rin?" dumilat ang mga mata ko bigla.

"Uh-huh."

"Wow! Cool.Parehas tayo," sabi ko na bumawi sa pagpisil.

"Aray...stop that." Namumula ang pisngi niya. Ang cute niyang tignan. Lalo na pagngumingiti siya.

Bam!

Nagulat kaming dalawa nang biglang kumalabog ang pinto. X was starring us. Nakakakilabot ang tingin niya, parang papatay lang naman.

" Go home," maawtoridad niyang sabi.

* gulp*

" NOW!" Hala nagsuper-saiyan na naman.

Nataranta pa ako sa pagkuha ng gamit ko. Kakatakot siya eh.

"Hey X, hindi pa siya tapos," biglang litaw naman si L.

"No, she's going home," pinal niyang sabi.

Hinatak niya ang braso ko. Isang linggo pa at siguradong putol na ang braso ko sa pinaggagawa ng lalaking 'to. Bago kami nakalabas ay nakita ko ang pagsmirk, pag-iling at pagkunot ng noo ng mga ka-gang niya.Dineretso niya ako sa may garahe.

*o* - ganyan ang hitsura ko nang masilayan ang mga naggagarahang sasakyan. Kitang-kita ko ang dollar sign. Halatang mamahalin.

Lumapit si X sa isang Suzuki Hayabusa. Otso naman ang gwapo ng motor. Astig lang.D'yan niya ba ako isasakay? Parang napanood ko na 'to sa mga koreanobela ah.

Ibig sabihin maaaring nagseselos siya kanina samin ni banana-Q at may lihim na pagtingin ang Samurai X na to sakin?

Hmmm.... Tama ba ang sinabi ni mama na maganda ako?

>///<

" Hey, rug doll. What are you still doing here?" masungit niyang sabi.

Aray naman. Assuming kasi. Hindi ba niya ako ihahatid man lang kahit wala na siyang gusto sa akin?

"Tomorrow morning at exactly 7 o'clock or else your dead."

Lechugas. Kaswerte. Pati pahinga ko dadaliin. Arggg...demonyo.

Tumalikod na nga ako. Tapos bigla rin akong napabalik.

In-open ko ang palad ko sa kanya. "Wala akong pamasahe."

He frowned. "That's b*llsh*t."

"Eh sa wala nga talaga. Para sabihin ko sayo alay lakad lang ako papunta sa school hanggang sa bahay namin."

THE BLACK DEMON'S HEARTOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz