PART 10 ~ TROUBLE

4.8K 97 12
                                    

dedicated to her na fave nia raw ang TBDH..palakpakan….salamat sa pagmamahal nito..ahuhuhu…ang cute ni puppy...hehe

Ako ay may question na sana ay sagutin nio..haha..kc si @MalditangMahiyain nagrequest ng mga characters/photos para may paglawayan esti lalong gumana ang imagination sa kwentong ‘to..humabol pati si @Girl_inthewindow...

Question: sino ang naiisip nio na personality na pwede kay X? o khit na cno sa knila..

Ang hirap kc bka maglagy aq eh weak pla ung nabigay ko o di bagay ba…ahehehe

Eeepppp…antok na q..e2 na..enjoy^^

…………………………..

"Aaarrghh..tang8na naman. Asar  talaga," nayayamot na sabi ni D. Tinapon niya ang hawak na control. Kanina pa sila seryoso sa paglalaro ni F at hindi man lang siya makaisa sa kalaro.

"Haha. Talunan," sabi ni F na tutok na tutok pa rin sa screen sa nilalaro nilang action games.

"Ssshh," saway ni M sa dalawa habang nakahilata at nakatitig sa kisame. Bising-busy sa pagbibilang ng mga butiki sa kisame.

Nabaling ang atensiyon nilang lahat nang pumasok si S. Nasa headquarter sila ng grupo sa EU. Actually para sa sports club ang building na iyon. Medyo malayo sa school building. Tinatamad silang pumasok kaya naroon silang lahat liban sa dalawa at ang kararating na si S. Hindi pwedeng basta-basta na lamang tumapak ang sino man sa building na 'yon ng walang pahintulot o di na imbitahan.

"Hey bro, lagi yata ang labas mo?" puna ni H kay S. Sumiksik siya sa pagitan nina C at D "Alis. Hindi ka naman kasi marunong," sabi niya kay D. 

Kinutusan naman si ni D. "Mag-alaga ka na lang ng hayop mo," asar na sabi niya.

Lumapit si C sa pwesto nila. "Siguro nakikipagkita sa chicks," kaswal na sabi niya. Nakigulo na rin siya sa paglalaro.

Nagbaba ng binabasang magazine si A. "Is that a good news?," tanong niya.

Tinungo ni S ang isang bakanteng upuan malapit sa kanila. "Kelan pa kayo naging tsismoso?" sabi niya na walang katiting na pagbabago sa pagiging seryoso.

Biglang bumangon si M sa pagkakahiga sa sahig. "Bro si C at F lang ang tsismoso rito," turo pa niya sa dalawa.

"Matulog ka na lang kung wala kang magandang sasabihin," sabi ni F sabay bato ng throw pillow kay M.

“F8ck!” asar na sabi ni A nang sa kanya bumagsak ang unan nang ilagan iyon ni M. Nag-peace sign na lang si F na sinagot naman ni A ng malutong na dirty finger. 

Napailing si M. “Tsk. Nawala tuloy ako,”seryosong sabi niya. Humiga na lang ulit siya sa sahig at pinagpatuloy kung ano man iyong ginagawa niya.

"That's gross Q," sabi ni I. Nakikipanood ito sa laptop ni Q. Wala silang paki-alam sa usapan ng iba.

Ngiti lang ang sagot ni Q. Ayaw paistorbo kapag nanonood ng paborito niyang anime.

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now