PART 40 ~ UNEXPECTED

2K 95 14
                                    

*kaway kaway* Hello dear readers... Nabuhay muli si otor.. \(*-*)/

Inspired po si otor ngayon kaya uulan ng update...(lol..paasang author xD)

Dinalaw po ako ni Syn bebe kagabi sa aking makulay na panaginip at pinagbantaan na puputulan niya ako ng bangs kapag di pa ako nag-update. Hahahaha.. ._.)"

Wag niyo po akong pansinin medyo nagaadik kasi ako.. xD

So ito na po..basa! ._.)/

Enjoy reading... ;))

........................

Friday- ito yung araw na pinakahihintay ng lahat. Para sa mga estudyanteng sabik nang makawala mula sa nakaka-stress na paaralan, ang araw para sa mga nagtratrabaho na makapag-gimik sa kung saan-saan, at para sa katulad kong umaasa na magiging mapayapa ang aking kinabukasan.  Kahit bantayan ko ang 10 hours na pagpokpok ng mga builders hut sa Clash of Clans o makipagpaligsahan ng puyatan kay gabi  ay walang kaso, dahil kinabukasan panahon ng pahinga.

"Here's the list," kaswal na sabi ni A sabay abot sa papel. Walang gana  kong  kinuha iyon. Kung kaya ko lang magpalabas ng apoy sa kamay ko ay malamang tustadong papel ang labas nito. Mabilis na pinasadahan ko ang nakasulat dito. Mga pagkain at ilang essentials ang nakalagay.


"Ba't walang dog food? O kaya rat killer lord A?" confused kong tanong.


Ipinatong niya ang dalawang kamay sa mesa at nakipag-eye-to-eye. "You can share with H's pet. And no need for poison 'coz I can kill you instantly."


"Ha-ha-ha. Nakakatawa," sarkastikong sagot ko sa kanya. Binatuhan niya lang ako ng ngising-demonyo na nagpaggusot sa mukha ko. Panalo na naman ang demonyo dahil sa pagmumukha kong parang pinagsakluban ng planetang Mars at Venus.


Tss. Wala sa sariling nalukot ko ang papel pero mabilis ko din namang inayos nang maalalang kautusan ito ng isang demonyo. Lumayas na ito sa paningin ko kaya medyo nakahinga na ang paligid. Kahit kasi mga walang buhay na bagay ay nararamdaman ang madilim na aura ng mga demonyo.


Hindi ko pa naitutuloy ang pag-huhugas ko ng mga pinagkainan nila nang may pumasok na namang demon sa kusina. Naibaba ko na naman ang kutsarang hawak ko. Kung may buhay lang siguro 'to baka nahilo na sa pagtaas-baba ko.


"Water my plants tomorrow," sabi ni I na hindi man lang nag-abalang tumingin sa'kin. Nasa hawak na magazine ang atensyon niya. Ginaya ko ang sinabi niya nang walang tunog at tinapunan siya nang matalim na tingin.


Ang dami ko sanang pwedeng gawin bukas eh, tulad ng mahiga, mahiga at mahigaaaaaaa! Lechugas!


Hindi ko na nilabas ang pinagmamaktol ng mga ugat ko at tahimik na lang na pinagpatuloy ang paghuhugas sa mga pesteng pinagkainan nila. -___-


"And..."


"Ay! Sirang damo!" gulat kong sabi.

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now