PART 53 - Photos

649 34 22
                                    

Hi guys! Happy 2019!
Pasensya na kung it took me another 174937493 years sa pag-update. The second quarter of 2018 almost killed me. Lol
But now i’m alive and kicking again!
Kaya tiis-tiis sa kakarampot kong update.
Thank you sa mga messages! Kung meron mang nag-aabang pa, Thank you again!

Enjoy! :>

....................................................

Dinala ako ni manang sa isang magarang kwarto. May kirot man akong nararamdaman ay hindi ko maiwasang humanga sa silid. Ang sarap lang sa mata ang kulay na ginamit mula sa furnitures, walls, carpets at ilang decorative accessories: iba’t ibang klase ng kulay berde. Nang tumutok ang mga mata ko sa kama ay bigla akong nakaramdam ng pagod at antok. Para bang inaanyaya niya na akong humiga at damhin ang lambot nito. Ni hindi ko na napapansin ang kwento ni manang tungkol sa mga alaga niya. Bumalik lang ang atensyon ko nang maikwento niya ang namayapang ina ni X na talagang pinagsilbihan niya. Mabuti nga at mukhang magkasundong-makasundo sila ni Madam Lucila kahit pa loyal ito sa ina ng hari.

Kinuhanan niya ako ng hindi pa nagagamit na mga damit sa cabinet. Bago siya umalis ay ibinigay niya ang mga photo albums na talaga naman nagpagising sa akin. Imbes na magbihis ay inuna ko ang mga albums na binigay niya. Napangisi na lang ako. Ano kayang itsura ni X nong uhugin pa siya? Mwehehehe!

Pagbuklat ko ay nasilaw ako ng liwanag.
Charot.
Tumambad lang naman sa akin ang mga larawan ng dating mag-asawa. Hindi maikakaila ang gandang lahi ng magkabila. Mestiza si Misis Navarro. Singkit ang mga mata niya at matangos ang ilong. Napakaamo ng kanyang itsura at napakaaliwalas. Si Mister Navarro naman ay moreno. Mukhang matangkad siya dahil medyo malayo ang agwat nila ng kanyang asawa. Matikas ang pangangatawan niya at magkamukhang-magkamukha sila ni X. Sa nakikita ko, kabaliktaran siya ni X dahil sa bawat larawan niya ay hindi nawawala ang matamis niyang ngiti.

Kung ganito kasipag ngumiti si X, malamang nangisay na lahat ng babae. Tsk!

Sa mga sumunod na pahina ay naroon na ang kanilang mga supling. At ito na nga, Ta-da! Ang little X na hinahanap ko. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ang batang X. Ang kyut kyut niya, ang sarap tirisin. Muahahaha!

Nakuha ng atensyon ko ang kasa-kasama niyang batang babae na mukhang di nalalayo sa edad ng hari. Kamukha siya ng mama ni X. At hindi naman pwedeng si Nova iyon.

May kapatid pa siyang iba?

Hmm…

Binuklat ko pa ang ibang albums. Nakita ko rin ang piktyurs ng ilang miyembro ng demons. Peste, ang liliit lamang nila noon, ngayon ay naghahasik na sila ng lagim.
Napakaraming laman ng mga albums: masaya at makulay. Napahikab ako. Gusto ko mang magbuklat pa ay hindi na kaya ng byutipol eyes ko. Bumibigat na ang mga talukap ko kaya naman binagsak ko na ang sarili sa malambot na kama. Napabungtong-hininga ako. Otso, kay haba ng araw na ‘to. Ang daming nangyari. Tuluyan nang pumikit ang mga mata ko hanggang sa na ginapos na ako ng kadiliman.

........

Naalimpungatan ako nang may kumatok sa pintuan. Gusto ko mang bumangon ay hindi ko magawa dahil tila nakayapos sa akin ang  malambot na kama.

“Papasok na ako, Miss Synella,” narinig kong sabi ng kumakatok.

Pinaglabanan ko na ang antok ko at pupungas-pungas na umupo sa kama. Natigilan lang ako nang makita si Nova sa paanan ng kama. Walang salitang umupo siya sa gilid ko. Seryoso ang mukha niya gunit hindi naman galit.

Reresbak na ba siya para sa mga sinumpang mga kaibigan niya? Jusko naman, sakit pa ng anit ko eh.

“Umm..” tanging nasabi niya.

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now