Yiepeeeyyy! nabuhay c otor!! Magbunyi! *fireworks* \*o*/
endi na po aq magispeech alam kong atat na kau..xDD
para sa consistent reader ng TBDH..tenkyuu ng marami..*bows* ♥♥♥
enjoy guys! ^___^
…………………………..
Naengkanto yata ako at kung anu-ano 'tong naiisip at nararamdaman ko. Mabuti nga at..at..
"You like him?" mahinang sabi ni S.
Mabilis kong binawi ang tingin ko at marahas na umiling. Ako magkakagusto don? Bigti na dre.
"H-hindi ah. Ano naman ang magugustuhan ko sa de...eh, sa kanya eh pinaglihi yata yun sa sama ng loob."
Naasiwa ako sa ginawa niyang pagtitig sa mukha ko kaya naman hindi ako makatingin ng diretso. Sa abs na lang ang ako tumutok este sa paa pala. Baka kung katawan niya eh baka mawala ako sa sarili ko. Naramdaman ko ang pagdantay ng kamay niya sa ulo ko at marahang ginulo iyon. Yumukod pa siya para magpantay ang mukha namin. Nakangiti siya kaya naman napangiti ako. Ang sarap ng mga ngiti niya, nakakabusog. Hindi ko tuloy mapigilang mapabuntong-hininga, na bigla ko ring pinigilan dahil baka mahimatay sa amoy si S.
"Tara."
"Kahit saan pa 'yan sasama ako," sagot ko sa kanya na lalong nagpaluwang ng ngiti niya. Aba hindi naman siguro masamang lumandi minsan kahit kalahating paglalandi lang.
"Lord S hindi ka ba napapagod?" tanong ko sa kanya. Lulubos lubusin ko na 'to mga dre.
Nangunot ang noo niya sa tanong ko. "Saan?"
"Sa kakatakbo sa isip ko."
"Boom!"
Napalingon ako nang masama sa mga demonyong shokoy sa pool habang nagtatawanan.
"Ang lupet bumanat ni Syn. Hahahaha!" Ang sarap ilunod ang malanding lalaking 'to.
"Tss..p-pinapangiti ko lang si Lord S. Dudumi ng utak niyo. Linisin niyo nga 'yan," namumula ang mukha kong sabi.
Parang gusto kong sampalin left and right ang mukha ko. Di ko na talaga napigilan ang kalandian ko at napa-pick up pa ako. San ko ba napulot yun? -__-
"Fishy babae ka ba?"
Masama ang tinging pinukol ko kay C. "Bakit!?" masungit kong sagot.
"Weh, di nga?" nangaasar na sagot ng walangya.
Ngumiti ako nang malapad kahit kumukulo na ang laway ko sa kanya. "Lord C kayamanan ka ba?"
"Wow, eherm, bakit? Dahil kayamanan ang katulad kong pinagpala," sabi niya na kumindat pa. Juice ko, tumitindig balahibo ko sa demon na to.
![](https://img.wattpad.com/cover/2423922-288-k220249.jpg)
YOU ARE READING
THE BLACK DEMON'S HEART
HumorIsang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat para sa pamilya, na sa kasamaang-palad ay hinahabol ng mga pinagpalang mga nilalang. The problem is, hindi ang kagandahan niya ang habol kundi...