PART 33 ~ FAST-FOOD

3.1K 97 52
                                    

Sa wakas na napost na rin.. *throws confetti* marami kasing istorbo..xDD

Dedicated to her na isang online gamer at mahilig sa anime (<kagaya q..xD) na pinagtyagaang basahin ang aking istorya.. ^o^)/ *throws confetti again* best in comment sya sa mga last last chapters..xDD arigatou..

Oh sya…enjoy… :P

………..

"Lord X," nanghihina kong sabi. Hindi pa rin niya ako pinapansin. Sampong beses ko nang nabanggit ang pesteng pangalan niya pero deadma pa rin ang demonyo. At dahil hindi ko na kaya ay humawak na ako sa damit niya. Mabuti nga at nakakahabol pa ako sa kanya.

Napahinto siya at napatingin sa akin. Nakahawak pa rin ako sa damit niya at sinalubong ang kunot noo niyang mukha.

"What?"  Inalis niya ang earphones niya. Kaya pala hindi niya ko marinig. T_T Kala ko pa naman umaatake ang pagiging demon niya.

Tinuro ko ang tyan ko. "Gutom na ako lord. Hindi mo ba ako pakakainin?" tila nanghihina kong sabi. Syempre naman kelangang dramahan ng konti 'tong hari na 'to.

Hindi ako masyadong nakakain kaninang lunch break dahil sa hinahabol kong report. Kung bakit ba naman kasi binisita ako ni pareng tamad. Hayun tuloy nangarag sa paghahabol.

Pinangunutan niya lang ako ng noo.

"Juice ko lord X pinagod mo ko sa kakalakad mo. Pakainin mo naman ako." Tinaas ko ang mga pinamili niya. Lechugas na demonyo. "Kita mo oh ginawa mo pa akong tagabuhat mo."

"You want me to carry those?" parang biglang dumilim ang paligid sa sinabi niya.

Umiling ako nang marahas. "Kahit itong buong mall bubuhatin ko para sa inyo, my lord," mabilis kong sabi.

Sinamaan niya lang ako ng tingin. Kinabit niya ulit ang earphones niya tsaka pinagpatuloy ang paglalakad. Ang sama talaga ng ugali ng hari ng mga demonyo. T__T Di na naawa sa sa mga alaga ko. Paghinabla ako ng mga ito idadawit kita sa kaso.

Sinundan ko na ang demonyo kahit masama ang lamang loob ko sa kanya. Ewan kung saang lupalop na naman siya pupunta. Napapalunok na lang ako sa tuwing may madadaanan kaming food stall at mga kainan. Nararamdaman ko na ang kaguluhan sa aking tyan. Naghihimagsik na ang aking mga alaga.

"Ayy!" bulalas ko nang masagi ang braso ko. Nabitawan ko tuloy ang bitbit kong paper bags. Hindi ko na pinagkaabalahan pang tingnan ang sumagi sa akin. Pinulot ko agad ang mga paper bags. Eksaktong pupulutin ko ito nang may mas mabilis na kamay ang pumulot dito. Napaangat ako ng tingin.

"Sorry," kaswal niyang sabi habang inaabot ang mga paper bags.

"Oh! Colt," banggit ko sa pangalan niya nang makilala ko siya.

Sumilay ang isang tamad na ngiti sa labi niya. "Hmm. Syn, nice to see you here."

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now