PART 54.1 ~ SONG

500 32 13
                                    


Hi guys! A little update for my old and new readers! I'm still here pa rin. Pakonti-konti but I will definitely finish this! Fighting!

Thank you guys! Happy ako na may nagaabang pa..Hahaha

......................

"Ayos na," sabi ni kuya na hubad baro. Kanina pa ako namamangha sa katawan este sa galing niyang magayos ng mga sirang sasakyan. Hindi ko man naiintindihan eh, galing na galing na ako sa kanya. Napapaisip tuloy ako kung talyer ba talaga 'tong pinuntahan namin o kampo ng mga modelo. Haysssss, nakakatulo ng laway.

Pero teka lang...speaking of pupuntahan, ito na ba yun? Paglalawayin lang ba niya ako ng dalawang timba?

Tsk, kaya nga ba hindi na ako nag-expect ng kasing taas ng mt. Apo dahil alam kong iba ang kahulugan ng date ni Xxx sa normal na date.

Susme, halos mahiwalay na ang binti ko sa katawan para lang makahabol sa kanya. Nagpasikot-sikot kami sa makikipot na eskinita at napadpad kung saan saan hanggang sa marating namin ang talyer na ito. Pinagpawisan lang naman ako ng halos limang timba sa kakalakad. Kung hindi lang kay kuya topless...Ay teka, di pala ako marupok. I'm strong independent woman...

"Hi!" pasimpleng sabi sa akin ng dumaang lalaking may hawak na gulong.

Otso...parang gusto ko na ring maging gulong.

Kyaaa, ang kyut ni kuya! Pwede bang dito na lang ako tumambay?

"Rag doll."

Otso, hindi lang si kuya topless at kyut ang pinagpala. Nang igala ko ang paningin ko ay, ta-da! Para akong nanonood ng fashion show. Napanganga na lang yata ako sa ganda ng tanawin. Muahahaha!

"Rag doll!"

"Ay manok na walang sabaw!" gulat na sambit ko.

"Hell...come here," mariin niyang utos. Sa distansya ng mga kilay at pagsambit niya sa kaharian niya ay mukhang kanina pa niya ako tinatawag. Tatlong ruler lang naman kasi pagitan namin at pwede naman niya akong bigwasan kung gusto niya akong kausapin. Tsk.

Nang makita kong magdurugtong na ang mga kilay niya ay mabilis kong tinahak ang pagitan namin. Maluwag ang ngiting pinaskil ko sa mukha ko at nakipag-eye to eye sa hari. Nang di ko natagalan ang mga mata niyang naguumapaw ng inis ay binaling ko sa kausap niya. Nangigiti ito habang pasulyap-sulyap kay X.

"Are you deaf?" asar niyang sabi.

Binaling ko ulit ang tingin ko sa kanya. "Aba'y hindi po kamahalan. Hundred percent po akong walang sira ang pandinig ko," nang-aasar ko pang sagot.

Tumiklop ako bigla nang tinapunan niya ako ng famous look niya. Hindi pa araw ng undas pero ang presensya niya ay nagbabadya na ng pista ng kamatayan.

"X, ang babae inaamo, hindi tinatakot," natatawang sabi ng kausap ng hari. Mukhang nasa mid-twenties na ang lalaki. Kahit pa grasa grasa ito ay hindi maitatanggi ang pagiging-charming niya. "Hi, i'm Gin." Nilahad niya ang kaliwang kamay ngunit agad din binawi nang makitang madumi ito. "Ops."

Napangiti na lang ako. "Syn po kooya," pabebe kong sabi. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ang pandidilat ni X.

"Jeez," nahihintakutan niyang sabi na kinatawa naman ni Gin.

"She's new. Where's..."

"Gin," putol ni X. "We need to go."

"Ohh..kay," ani Gin na lalong napapangiti. "It's all yours X."

"Tss, I'm counting on you."

Linapitan ni Gin ang isang owner type jeep na sasakyan. "Malakas pa 'to," aniya sabay kalampag sa sasakyan. "Here's your queen," sabi ni Gin sabay bato sa susi nito. "Have a safe a trip," baling niya sa akin.

THE BLACK DEMON'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon