PART 6.2 ~ PRANING

4.7K 113 16
                                    

Hindi na kami nakatulog at nakauwi dahil dagsa ang kliyente. Masaya dahil maraming kita. Malungkot dahil sa mga nalagas na buhay.

Nang kauumpisa naming tatlo rito basta may kliyente kami iniiyakan namin. Pagminsan pa nga naiitsa-pwera na ang mga kamag-anak dahil mas oa na kami. Pero ngayon nasasanay na kaming kontrolin ang aming emosyon.

Heto kami abalang-abala. Mula pagme-make up at paggawa ng mga bulaklak kinareer na naming tatlo.

"Nasa'n na si Nari," hanap ni Val.

"Wiwi," walang buhay kong sabi habang nagle-lettering ng mga pangalang ilalagay sa kabaong. Mukha namin, mukhang zombie na.

"Kanina pa kaya 'yon. Samahan mo ako hanapin natin," yaya ni Val.

Grabe tong babaing 'to parang nagdra-drugs hyper parin kahit mukhang zombading na.

Pumasok kami sa kabilang silid. Madadanan namin ang mga coffins. Hindi na kami takot dahil sanay na kami. Six months na kaming sumasideline dito.

Dating vocalist ng banta 'tong si Val pero madalas mapaaway sa mga customer. Nang makahanap ng trabaho sinama kami. Tuwang- tuwa kami ni Nari nang sabihin niyang, kami raw ang La Diva.

Otso La diva pala sa patay. =_=

Pero ayos lang maganda naman ang kita. Kahit pag walang pasok lang kami pumupunta rito pwede na ang kikitain. Lalo na pagkakanta pa kami.

"Nari, utang na loob wag kang makipag-hide in seek samin. Tapusin na natin 'to nang makauwi na tayo," walang buhay pa rin ang salita ko.

Walang sumagot na Nari-bang.

"Lintik..Nari labas na. Wiwi rin ako," sabi ni Val na balak nang wasakin ang pinto.

Kinalabog na rin namin ang pinto dahil hindi sumasagot ang bruha.

"Baaaakiiiiiit?"

Napahinto kami ng makarinig kami ng malamig at mababang boses. Sabay kaming napalingon sa likod namin. Natahi yata ang bunganga namin dahil hindi kami makapagsalita. Napalunok na lang kami habang nanlalaki ang mga mata namin dahil sa nakikita.

Isang babaing sabog ang buhok, nangingitim ang ilalim ng mata ang tumayo mula sa kabaong.

"Wa...." hindi namin malabas ang boses naming dalawa.

"Baaaa--kkittt," ulit niya sa napaka-creepy na tunog.

Waaaaahhhhhhhhhh.........

Sabay kaming tumakbo palabas ni Val. Napapaiyak na sa takot.

"Anong nangyari sa inyo?" nag-aalalang sabi ni mamu na nakasalubong namin.

"May...may..may..." ako.

"May...may..may..." si Val.

Mabilis kaming nagyakapan ni Val at humiyaw.

"Tsk! Mga batang 'to. Hindi na nasanay sa parlor ko."Pumasok siya sa loob at tinignan kung may kakaiba. "Ano'ng pinagkakaganyan niyo eh wala naman kakaiba rito. Kayo talaga. Ang mabuti pa kami na ang tatapos nito. Wala pa kayong tulog eh. Naprapraning na kayo."

"Si Nari po mamu..." sabi ko."Ba-ba-baka..."

"Andito ako bakit?"

"Ahhhhhh.....'yong babae sa kabaong. WAhhhhhhh....." magkayakap naming tinuro ang babae.

Wapak!

Sinapak kami ng babae sa kabaong. Astig niya ah.

"Ako to mga shunga. Natulog ako sa kabaong. Hindi kinaya ng powers ko ang antok eh..hihi," aniyang hinawi ang buhok na nasa mukha.

THE BLACK DEMON'S HEARTOù les histoires vivent. Découvrez maintenant