PART ~ 54.2 OLD MANSION

574 24 16
                                    

Mahigit isang oras din ang byahe namin na puno lang ng mga ngiti sa labi. Ang gaan lang ng takbo ng byahe namin. Kahit nagbabangayan kami sa maliit na bagay ay ramdam ko ang kasiyahan lalo na kung napapangiti ang hari. Otso, may kakayahan talaga siyang maging tao kahit papaano. Natutulala na nga lang ako sa tuwing bibitak ang mga labi niya.

Hay puso, nagmamadali na naman sa pagtibok!

“Dito na?” tanong ko nang hininto niya ang sasakyan sa tapat ng isang kulay puting gate sa pagitan ng nagtataasang pader.

Wala akong sagot na nakuha. Deretso lang ang tingin niya at mukhang kay lalim ng iniisip.

“My lord,” pabulong kong sabi. Nasa isip kong huwag siyang abalahin kaya mahina lang pagsasalita ko, pero syempre pangiistorbo pa rin ang ginawa ko kahit na kasinglakas lang ng paghinga ko ang pagtawag ko sa kanya.

Nilingon niya ako, tanda na napakalatalas ng pandinig niya. Regular siguro siyang naglilinis ng tainga niya. Tinuro ko ang puting gate. Isang marahan na tango ang sagot niya.

Kung kanina ay nagagawa niyang ngumisi at kay gaan ng awra niya, ngayon ay hindi ko na mawari. May kung anong damdaming pumapalibot sa kanya at tila ba kay bigat ng mga mata niya.

“Let’s go,” aniya.

Hinawakan ko ang damit niya para pigilan siya sa paglabas. Tumaas ang isang kilay niya. “What?”

Kung gaano siya kaseryoso ay tinapatan ko iyon. Gusto kong tanungin kung may problema ba? Gusto kong makiramay sa mga iniisip niya, sa nararamdaman niya.

“What?” ulit niya na may konting pagkainis.

Ilang segundong katahimikan ang lumipas bago ko maibuka ang bibig ko. Gustong-gusto kong maging parte ng kung anumang gumugulo sa kanya ngayon.

“Umm…hindi ba kusang bumubukas yan?” naibulalas ko. Naituro ko pa ang puting gate.

Anak ng tokwa!

Pinaningkitan niya ako. “Hindi, so get off.”

“Ah…ha-ha,” pilit ang tawa ko. “Sayang naman,” papahina kong sabi. Mabuti pang maitikom na lang ang bibig ko. Tumingin ako sa side mirror at pinagmasdan ang mukha ko. Sa mga nagdaang araw, halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Gumaganda eh. Muahahahaha!

Pwera biro, sabi ni Val nagdadalaga na raw ako. Madalas ay nahuhuli niya akong tulala na nakangiti. Hindi ko alam kong magandang balita iyon o gaya ng sabi ni Nari ay kailangan ko nang kumonsulta sa doctor. Otso nababaliw na ako?

Napatingin ako sa gawi ng hari. Nakapamulsa ito at mukhang nagmamasid sa paligid. Napatagal yata ang pagtitig ko at naramdaman niyang may nagpyepyesta sa kanya. Nataranta ako nang magtama ang mga mata namin. Mabilis na bumama ako sa jeep na halos gumulong na ako sa pagkataranta.

“Damn, what are you doing?” aniya na magkasalubong na naman ang kilay.

“H-hindi ako prepared sa pagbaba ko kamahalan,” napapayuko ko na lang na sabi.

Nang tingnan ko siya ay nagpipigil siya ng tawa. Ako naman ang nagsalubong ng kilay. “Wha’s funny my lord?”

Napagtagumpayan niyang itago ang tawa niya. “You were staring at me.”

“Hindi ah!” mabilis kong deny.

“And you’re blushing.”

“Hindi ah!” mas malakas kong sabi.

Napangiti siya. “And you look cute.”

“Hin—” Natigilan ako sa huling sinabi niya. Lalo kong naramdaman ang pagiinit ng mukha ko.

THE BLACK DEMON'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon