PART 44.2 ~ DONUT

1.2K 51 7
                                    



"Ang lakas talaga ni Saitama!" tuwang-tuwang sambit ni mama. Sa isang suntok lang kasi ay taob na ang mga halimaw. Imbes na magbihis ay nakiupo rin ako sa harap ng telebisyon matapos kong magbigay galang sa nanay ko. Nadatnan ko kasi silang abala sa panonood ng One-punch Man. Nasa pangatlong episode na sila at tutok na tutok sa panonood.

Alam niyo na kung saan ako nagmana sa pagkabaliw sa anime. ._.

Kinalabit ako ni Tigre. Hindi ako natinag sa diretsong tingin ko sa telebisyon. Alam na alam talaga ng mga abnoy na to ang kiliti ni mama. Kilala na ni mama sina Tigre at Caled noon pa man at feeling close ang mga 'to sa mama ko.

Nang di magtigil si Tigre ay tinapunan ko siya nang masamang tingin. Nagniningning naman ang mga mata niyang nakatutok sa akin. Baliw talaga 'to. -__-

"Ling for you," aniya sabay alok sa hugis bilog at chocolate flavor na donut.

Nawala ang bangis ng mukha ko at tinanggap ang binigay niya. Bigla akong nagutom nang makakita ng pagkain. Naalala kong ni kornik ay walang giniling ang tyan ko.

"Hindi ka yata masaya sa pinapanood mo?" nakangalumbabang sabi niya. Sa akin na siya nakaharap at hindi sa pinapanood namin. Walang arte naman akong lumamon, dinalawang kagat ko lang ang bigay niya. Kanina pa nangingibabaw ang boses nina mama at Caled, daig pa nila ang bata sa mga reaksyon nila. Pero ganun din naman ako, lowbat lang ako ngayon. Malapit nang mag-alas otso pero di pa dumarating ang dalawa kong kaibigan, malamang nasa school pa sila. Kung ako abala sa pagkuskos ng sahig at inidoro, yung dalawa busy sa extra activities nila sa school.

"Pagod ako," tipid kong sagot.

Kanina matapos akong maglinis sa library ay tahimik naming tinahak ni S ang pathway palabas ng school. Hindi ko alam kung saan ako napagod, kung sa paglilinis ba o pag-iisip ng mga bagay-bagay na hindi naman dapat isipin. Ang matindi, hindi ko kinagat ang oportunidad na ihatid ako ni my labs sa bahay. Napapailing na lang ang ibang katauhan sa loob ng aking katawan. Isang malaking kahangalan ang ginawa ko.

Pero...

Alam ko na iyon talaga ang nararapat, dahil ibang demonyo ang nasa utak ko.

Tsk.

Otso.

Ang drama ko na. Nakakapeste na talaga ang demonyong iyon!!!! -__-

Pak!

"Aray naman 'ling!" T^T ngawa ni Tigre.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kamay at mukha niya. "Ops sorry," ngiwi kong sabi nang masampal ko nang di ko namamalayan si Tigre. "May lamok eh." .__."

"Sa lakas no'n parang dinosaur ang tinira mo eh." T^T

Napakamot na lang ako sa baba habang pinapanood ang pagdradrama niya. Nang di siya tumigil ay inabot ko ang pisngi niya at hinaplos iyon. Napalakas nga iyong pagtira ko dito at namula talaga ang makinis—teka..makinis nga ang mukha ng Tigreng 'to, parang alaga ng derma. Nilapat ko ang isang kamay ko pa at kinipa ang mukha niya. Otso, ang unfair naman nito. T-T Ang kinis ng mukha ng baliw na 'to. Joy dishwashing liquid kaya ang gamit niya at wala man lang sebo. T-T

Natigilan ako at napatingin kay Tigre na biglang nanahimik. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin at di naman ako nagkamali. Parang biglang nagpalit ng katauhan si Tigre--ah hindi... si Trigger ang lalaking nasa harap ko ngayon. Hindi ako manghuhula o ano pa man pero kitang kita ko ang kakaibang emosyon sa mga mata niya.

Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay niya sa kamay ko. Wala akong ginawa at nakatitig lang sa kanya. Parang may nais siyang iparating na kailangan kong marinig.

"Ano yan?" biglang singit ni mama na pinagitna ang mukha sa amin.

Pak!

Sa gulat ko ay nasampal ko ulit si Tigre.

Strike two!

Sorry naman. ._.

Napahawak uli si Tigre sa nasampal na pisngi. "Mama nakita niyo iyon, nakadalawa na si ling!" tungayaw ulit ng Tigreng kilala ko. Wala na ang misteryosong katauhan niya.

Hinila ni mama ang patilya ni Tigre. "Tigil-tigilan mo kong bata ka, ah. Ang sabi ko sayo magpayaman ka muna bago mo hawakan 'tong si Synella ko."

Napa-aray si Tigre. "M-mama naman, hindi na talo si ling sa kagwapuhan ko," aniya habang nakikipagbawian ng patilya kay mama.

"Hindi mabubuhay ang anak ko sa kayabangan mong bata ka," nanlalaki ang mga matang sabi ni mama.

Mabilis na lumayo si Tigre nang binitiwan na ni mama ang patilya niya. "Gandang lahi naman ang maibibigay ko ma."

"Maganda na ang lahi namin," sagot ni mama sabay hawi sa side bangs niya.

Otso. ._."

Napapailing at napapangiti na lang ako kina mama at Tigre na di na natapos sa pagsalo sa bawat salitang binibitawan. Sinenyasan ko si Caled, na pangisi-ngisi lang habang nanonood, na iabot sa akin ang box ng donut na dala nila. Ikakain ko na lang to, at sisiguraduhin kong balik abnormal na ako bukas.

"Muahahahahahaha!" pang-kontrabida kong tawa na nagpatigil sa kanila. Hindi ko namalayang naitawa ko talaga nang totohanan ang sa pagkakaalam ko ay sa isip ko lang.

"Aheheheh. Ang sarap ng donut kasi." ._.)"


THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now