PART 9 ~ BISTO

4.7K 102 13
                                    

tnx for reading khit offline pa 'yan..ahehehe..guys try her story "NEVER WAKE THE DEMON" maganda ang storyline action at cool. basta mganda type q ung ganitong istorya..ahehe

cnxa na busy mga te..lipat bahay eh..nakalimtan q na yata ang pupunthan ng istoryang ito naiwan sa lumang bahouz q..T^T

mwehehehe...

.................

"Kyaaahhhh!" hiyawan ng mga babae.

Kung makatili sila parang bilang na nila lahat ng bituin sa langit. Oa na ba kung sasabihin kong may nahihimatay na? Tsk. Parang ngayon lang nakakita ng mga lalaki. 

Nasa corridor ako at kasalukuyang nagma-mop ng sahig. Otso nga eh napunta pa ako rito. Dapat sa sulok-sulok lang ako. May sakit kasi 'yong kasama ko kaya ako ang naglinis dito. Dapat nga tago lang ‘tong mukhang 'to dahil nitong mga nakaraang araw dikit na dikit sa akin ang kamalasan.

Tulad na lang ngayon..=__=

Ang noise pollution na nanggagaling sa mga bunganga ng mga babaing 'to ay dahil sa mga lalaking kampon ng kadiliman.

Kumanan kayo. Kumanan kayo.

Paulit-ulit kong usal. Kapag dumeretso sila bibigtiin ko ang sarili ko. Umagang-umaga kasi naisipang rumampa. Hindi na lang magtago sa kuta nila o kaya sa gabi sila maghasik ng lagim.

Oh no! Binabawi ko na ang sinabi ko. Mahal ko pa ang buhay ko kahit malas na ang apelyido ko. Tindi ng kapit talaga. Hindi na ba effective ang buhok ko sa kili-kili? 

Ito nga at hindi sila lumiko. Ibig sabihin sa harapan ko sila dadaan. Pinagpawisan ako bigla. Hindi dapat nila malaman na ako 'to. Talikod.

Otso! Kilala nga pala ako ni S. Sinabi na kaya n'ya ang sekreto ko?

Humarap ulit ako. Pinagpatuloy ko ang pagma-mop. Deadma na lang ang drama ko. La na rin namang kwenta kahit ipalit ko pa ang mukha ko sa pader. =_=

"Kyaaaaahhhh...bakit ba ang gagwapo nila?" sabi ng isa na kagat-kagat ang daliri.

Hindi lahat ay nadadaan sa hitsura te. Gwapo nga demonyo naman. 

"I'm in love," sabi naman nong isa. *o*

Lahat naman ata kayo? =__=++

"Ang buhay ko naglalakad."  

Hala naulol na 'yong isa.

"Kyaaaahhhhh!!!!"

Aray naman. Wasakin ba ang eardrums ko. +___+"

Hindi ko naman ipagkakaila na malakas talaga ang dating nila. Lahat sila ay gwapo, walang reject. Sino ba naman ang hindi makakapansin. Sa paglalakad pa lang ay damang dama mo na ang taglay nilang kakaibang aura. Kung sa mga lalaki mapapatabi sila, nakakatakot banggain liban na lang kung may dugong BB Gandanghari'ng nanalaytay sa mga ugat nila. Kaiba naman pag sa babae, kahit hindi maayos at magulo ang mga uniforms nila ay mapapatulo ka ng isang baldeng laway.

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now