Part 39 - That Girl

2.9K 96 22
                                    

To TBDH loyal readers:

The Author is back again and uhh.. sorry for leaving you all hanging up just like that.. I understand what you all feel from what I did coz I'm a reader too.. and I was hoping that you all understand my personal problems too.. so now I would like to share my fantasies again with all of you...

 wait nanonosebleed nako sa kadramahan ko ._.  xD

To my bro na hindi pumayag patayin ang account na 'to, @ShainFictions thank you. I won't pursue this kung di dahil din sayo. Thanks for believing me and goodluck sa pagiging feeling otor natin.. :3

Thank you for waiting guys!

Enjoy reading... ^^

...........................

Nasa dulo ng kadiliman ang tingin ko at nasa kalawakan naman ang isip ko habang panay ang lipat ko sa pahina ng librong napagtripan kong damputin. Kanina pa ako bumubuntong-hininga, mga isang milyon na malamang. Hindi ko alam kung ano namang 'tong napasok kong kaabnormalan.  pa ako tulalaytis. Kahit bugbugin na ako ng dalawa kong kaibigan, wala pa rin ako sa sarili ko. Tuluyan ng g-um-ive up ang katinuan ko.

 Sinandal ko ang kanang pisngi ko sa palad ko habang tulo-laway. Biro lang, pero kamuntik na! Otso.

Gusto kong mag-isip pero wala akong maisip. Pisting  utak naman 'to, maipaalog nga mamaya.

Nabulabog lang ang mundo ko nang biglang may tumikhim—at mukhang kanina pa tumitikhim. Pinunasan ko muna ang muntikan ng magbungee jumping na laway sa gilid ng labi ko tsaka ako napaangat ng tingin. Imbes na ngiti ang maisalubong ko ay ngiwi ang lumabas sa labi ko sa paupong lalaki sa kabilang upuan. Nakakahiya nakita pa yung ginawa ko. Pasimple ko na lang pinunus sa laylayan ng palda ko ang laway. Ba't ba usapang laway 'to? xD

Tahimik ang paligid, natural nasa library ako. Parang nakakabingi tuloy ang tunog ng upuan na hinila ni Colton. Hindi naman ako adik sa pagbabasa pero ang sarap kasi ng amoy ng mga lumang libro. Isa yun sa mga naturo sa akin ni Nari, ang ma-appreciate ang halimuyak ng libro.

"You didn't show up," kaswal niyang sabi.

Napa-ah lang ako, nagtatanong ang mukha ko sa nais niyang ipahiwatig habang inaayos ang suot ko.

"Your phone is out of reach too," nakatitig niyang sabi.

Napakamot ako ng baba habang pinagmamasdan si Colton. Naka-gray shirt ito at maong na pantalon. Kahit simple lang ang damit nito ay hindi matatawaran ang naguumapaw na sex appeal nito. Ito ang matatawag na ulam. Itsura at dating palang busog ka na. Kapag ginawa itong de-lata, malamang panis si Ulalam.

Pinilig ko ang utak. Sinasapian na naman ako ng ibang personalidad ni Syn.

Napakamot ako ng baba. "Ah, eh hindi ko maintindi... ." biglang nanlaki ang mga mata ko bago ko natuloy ang "han". Lechugas na kuhol. Anak ako ng nanay ko!

Rumihistro na sa utak ko ang sinasabi nito. In-indian ko siya kagabi. Hala! >__<

Nawala sa isip ko ang usapan namin. Otso, ang kapirahan at eksperyensya ay lumipad na sa palad ko. T__T Asar kasing demonyong 'yun. Ginulo niya bangs ko, este buhay ko.

"Colton!" humihingi ng depensa ang tinig ko. "Pa-" Pinutol ng 'sssshhh' ang sasabihin ko nang marinig ko ang nagbabantang signal ni Mrs. Cruz, ang dakilang librarian.

Wal sa sariling tinakpan ko ang bunganga ko at inayos ng inayos ang bangs ko.

Napabuntong-hininga ako bago ako pabulong na nagsalita. "Sorry. Nawala sa isip ko. Tapos hindi ko nacharge phone ko. Actually hanggang ngayon hindi ko pa nachachrage."

THE BLACK DEMON'S HEARTजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें