PART 11 ~ XXX

5.9K 99 8
                                    

tadah! sorry guys 4 the late UD..kasalanan 'to ng courier di napadala agad ang broadband q..ahehe..bc rin sa paghahanap ng used books. wala pambili ng bago dahil pinambili ng lappy..isang taong pagkain q 'to.T.T di bale bubusugin nio nmn aq sa commens and votes nio dba?wahahaha

ayihh for her na laging nasa comment box ang name..pa-check po ng image kung pede sya maging si X..suggestion ng isang magandang reader..xDD

.............................

"Tama na..h-hindi k-ko s'ya kilala. Wa-wala kaming kinalaman sa inyo," hirap nang sabi ng lalaki. Bugbog sarado na ang lahat. Doon sila dinala ng magkasabwat na babae at lalaki sa bar kanina. Hindi naman mahirap paaminin ang dalawa . Pero itong mga sira-ulong ito ayaw kumanta.

"Masakit na ang kamay ko," nakangising sabi ni U. He was one of the heartless bastards among the group.

"Leave it to me bro," sabi ni M na ini-stretch ang kamay pataas para makipag-apir kay U. Ayan diyan siya masipag. Isa ring hayok sa pakikipagbangasan. "Ayaw mong magsalita?" he smirked." Pwes tuluyan natin 'yang bibig mo nang hindi ka na nga makapagsalita kahit kalian." Pinalagutok niya ang mga daliri at pinagsawa ang kamao sa lalaki.

"Tss..ang tagal naman. Ako 'yong inaantok," sabi ni I na nababagot na ang itsura.

"Tae naman. Dinuduga n'yo yata ako eh," sigaw ni L sa mga kalaro. Sa sobrang tagal umamin ng mga kumag ay nag-tong-its muna sila. Nadatnan nila 'yon sa bodega na pinuntahan nila. Isang kuta ng mga pipitsuging gang.

"Iyan naman ang lagi mong excuse L," sabi ni A na nagbabalasa ng baraha.

Tinapik ni C ang balikat ni L. "Tumigil ka nga sa kakasigaw mo, bro. Natatakot sayo 'yong babe ko eh," saway ni C, kinindatan pa nito ang babaing kanina pa nanginginig sa takot.

"X, I think the “babe” her must go."

Napatingin sila kay Q na abala sa paglalaro sa cell phone niya. Tumigil siya sa paglalaro at tumingin sa babae. “Napagutusan lang s’ya. and I know..” he paused. “ Na hindi na ‘yon mauulit,” pagkatapos ay nagpakawala siya ng nagbabantang  ngiti.

"Yeah. Remember. Black. Demons." segunda ni F.

Napamulat si X. "I don't care about her," sabi niya,  malapit nang sumabog ang kakarampot niyang pasensya. Tahimik lamang siya sa kinauupuan at nag-iisip.

Tumayo agad si C. "I'll accompany her outside."

Ilang sentimetro pa lang ang naabot ng paa ni C nang hatakin siya ni L  pabalik sa upuan nito. Tinapon ni L ang sigarilyong nasa bibig at inapakan. "Tss..style mo. Bulok," napangisi si L. "Naglalaro tayo. Di ka pwedeng umalis bro. Isa pa baka di na makauwi ‘yan ng buo pagsinamahan mo.”

"Ulol. Sama talaga ng ugali. Ako lang naman ang gentleman dito ah,” napapailing na sabi ni C.

“Ahem..narito rin ako bro,” seryosong sabi ni H. “Ako nang bahala sa kanya.”

"Malaki na 'yan. Marunong nang umuwi," sabi ni L habang nagpipinta ng baraha. “Upo lang kayo d’yan.”

THE BLACK DEMON'S HEARTWo Geschichten leben. Entdecke jetzt