PART 15 ~ MY DAY PART 2

4.5K 98 25
                                    

dedicated to her na masipag mag-vote..^^ tnx for reading..mhua..

enjoy*wink*

.............

Humanda ang lalaking 'yon pag nakita ko s'ya. Ibabaon ko s'ya ng buhay saka sisilaban pagpatay.

Mag-iisang oras na ako rito sa ice cream parlor at wala nang L na nagpakita. Okey lang sana kahit hindi na magkrus ang landas namin, pero kung ganitong sitwasyon na iwanan ako at hindi binayaran ang inorder namin *luhod sabay makaawa*  sana naman lumitaw na ang scorpion na 'yon. T.T

Nakakahiya na eh, kanina pa ako rito. Wala naman akong pambayad dahil nga missing in action ang wallet ko. Sa'n ba napunta 'yon? Utang na loob kung sino man ang nakapulot dalhin na lang sa lost and found.

Tumingin ako sa may counter kung saan kanina pa nagbubulong-bulungan ang mga crew. Uso kaya sa kanila ang maghugas na lang ng kubyertos kung walang pambayad?

"Kitam. Walang pambayad 'yan. Baka 'yong gwapong kasama n'ya kanina ay naawa lang o kaya tinutukan ng patalim kaya sumama sa kanya." Ayos si ate kung makabulong malinaw pa sa naka-full na sound system.

"Sshh..marinig ka n’yan day. Baka may tililing  'yan. Tignan mo nga kanina panay ang talon sa upuan day. Sus ginoo, ako nang naawa sa kasama n'yang pugi kanina. Panay na ang takip ng mukha ba. Kaya iniwan na 'yan day."

=__= Wala na bang mas friendly sa kanila? Mukhang kulang pa 'yong panlalait sa akin ah.

Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi nila. Nag-iisip ako kung pa'no makakatakas esti makakabayad. Nilabas ko ang twenty pesos ko. Pwede kayang pang-down payment  'to? Tumingin ako sa may counter para i-confirm kung may pag-asa ba ang plano ko.

~_^

Otso. Nakataas ang kilay nila at ang sama ng tingin sa akin. Crossed out. Panibagong strategy. Hmm..magbaliw-baliwan na lang kaya ako? Tama. Tutal sa tingin nila ay may tililing naman ako.

Napatingin ako sa labas kung saan may nagkakagulo. Hindi ko man naririnig ay malinaw sa isip ko ang nangyayari. Isang babaing nagwawala habang pilit s'yang inaakay ng tatlong lalaki na nakaputi. Nagwawala ito at pilit na kumakawala. Sinuutan nila ng parang jacket na puti ang babae at tinali sa likod ang sleeve. Napalunok ako. Pagnagbaliw-baliwan ako sa mental ang bagsak ko, ganyan ang drama ko. Hindi magandang plano 'yon. =_=

"Ah..excuse me..ah..." hindi ko pinatapos ang sasabihin ng crew na lumapit sa akin.

"Saglit lang please hintayin ko lang 'yon kaibigan ko," pinaskil ko ang pinaka-adorable kong mukha.

Ngumiti ang babae pero may halong hingang malalim. "Kanina pa po kayo rito at marami pa pong gagamit ng kinauupuan n'yo."

Aray naman. Hindi yata na-take ni ate 'yong mukha ko, at talagang pinapaalis ako?

"Ahehehe..ang totoo n'yan..'yong kasing..'yong..'yong kasama ko kanina ang magbabayad nito. Hinihintay ko lang s'ya. LBM kasi."

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now