Chapter 35 - Stupid girl

163 15 3
                                    

Keysi Mendoza's POV

Kagabi ay hindi ko na napigilang makatulog sa mini table ko habang nakapatong yung ulo ko sa notebook at nakatulog na ko, hindi ko pa rin masyadong na gets ang math, at eto ako ngayon nag tataka kung bakit ako napunta sa kama ko.. Baka nag lakad ako habang tulog hahaha

Dumeretso na ko sa banyo at naligo dahil kailangan kong pumasok ngayon sa school, pagkababa ko ng hagdan ay nakita ko si math doon tsaka josh na kumakain

"Asan si tita?" Tanong ko sa kanila

"Pumunta sa pinsan niya" Sabi ni math sabay inom ng kape

"Noona may partner kana para sa aquintance party for tomorrow?" Bigla namang tanong ni josh kaya napatingin tuloy ako kay math... Siya yung gusto kong partnerr

"Wala pa"

"Ako nalang partner mo noona hahaha"

"Naku kung pwede lang eh"

"Papasok kana?" Biglang tanong naman ni math

"Malamang kaya nga naka uniform na ko eh, ano sa tingin mo?"

"Ayos kana ba?" Sabi pa niya, concern ba sakin si math? O sadyang ganun lang talaga siya?

"Oo naman, uyy ikaw ah? Concern ka sakin! Crush mo na siguro ako!" Pang aasar ko pa sakanya kaya sinamaan niya ko ng tingin

"Tanga, masyado kang assumera" Sabi lang niya sabay tingin sa pagkain niya, tss napaka sungit talaga kahit kelan..

"Tanga na nga assumera pa" Bulong ko pang sabi

"Baka mag kaaminan na kayo ni hyung ah?" Natatawa namang sabi ni josh sabay tingin sa kuya niya

"Mag kaaminan sa ano?" Taka ko naman tanong

"Secret!" Mabilis na sabi ni josh sabay takbo na palabas, talaga yung batang yun oh

Nagkatinginan naman kami ni math pero sabay din naming iniwas yung tingin namin sa isa't isa

Tumayo na si math kaya tumayo na din ako, tapos niligpit ko yung pinag inuman ko ng milo, syempre maka milo ako eh hindi ako sanay sa kape pero sobrang magugulatin pa din ako hay nako buhay..



School...

"Kamusta si kuya tonton?" Tanong ko kay grace nandito kami ngayon malapit sa soccer field

"Okay naman na siya, nag papagaling nalang"

"Buti naman kung ganun"

"Uhm keysi may partner kana ba para bukas?" Tanong ni grace

"Wala pa nga eh" Sabi ko sabay pout

"Makakapunta Kaya si nathan tomorrow?" Malungkot niyang sabi

"Oo yan! Itetext ko siya mamaya"

"Pero sinong mag babantay sa papa niya?" Tanong niya

Napaisip naman ako... Oo nga noh walang mag babantay kay kuya tonton

"Uhmmm.. Ako!" Sabi ko

"Ikaw? Anong ikaw? Hindi ka pupunta bukas sa aquintance party?" Taka niya namang tanong

"Wala rin naman kasi akong partner parang nag dadalawang isip pa ko kung pupunta ba ko"

"Pumunta ka! Malay mo isayaw ka ni math!" Pang aasar pa niya

"Yonn? Isasayaw ako? Oo sa panaginip! Si andrea na nga partner niya eh"

"Malay mo.." Sabi ni grace at inayos na yung bag niya "I have to go na keysi see you later na lang, mag uumpisa na yung klase pumunta kana rin sa room niyo" Sabi niya sabay beso sakin kaya napatayo na din ako

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon