Chapter 2 - New house

393 14 0
                                    

Keysi Mendoza's POV

"Oh bakit ka malungkot jan?" Biglang tanong ni nathan, nandito kasi kami ngayon sa part time job namin

Sa kanila tong mini business nila na to na 'Cream ice' Isa itong maliit na tindahan ng ice cream tumutulong ako dito mag tinda syempre may kikitain din naman ako, nag iipon kasi ako ng pera pambili ng laptop

"Wala lang trip ko lang maging malungkot.." Sabi ko at ngumiti kunwari

"Hindi tinanggap yung letter no?" Biglang tanong ni nathan kaya napatingin ako sa kanya at natapon tuloy yung nilalagay kong ice cream

"Alam mo na ang sagot.." Sabi ko habang pinupunasan yung natapon

"Sabi ko naman kasi sayo ako nalang eh hahaha.." Pagbibiro niya, alam kong nag bibiro siya dahil tumatawa siya

"Hay nako nathan tigilan moko ah? kunin mo na nga lang yung mga cone don sa ibabaw at andaming bumibili oh naubusan na tayo dito!" Masungit na sabi ko at napatingin naman siya sa mga customer

"Opo ma'am!" Sabi niya sakin habang nag sasaludo pa kaya naman tinarayan ko nalang siya

Pagkatapos namin sa part time job namin ay umuwi na ako, ang oras kasi namin dito ay 4-8 basta kapag uwian deretso ako agad sa cream ice

Pagkadating ko sa bahay ay nakita ko si papa sa sala na parang stress dahil nakahawak pa siya sa sintido siya at hinihilot hilot ito

"Pa anong problema?" Pag tatanong ko agad kay papa

"Anak nanjan kana pala, may problema tayo eh, yung restaurant natin ay pansamantalang pinasasara eh dahil may nag reklamong nanay na hindi daw maganda ang mga pagkain natin at bigla daw sumakit ang tiyan ng anak niya.." Pagpapaliwanag ni papa

"Yun nalang ang mububuhay satin nak, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ang restaurant na iniingatan ng nanay mo noon" medyo nag aalalang sabi ni papa kaya naman nag paka positive ako tumabi ako sa upuan ni papa

"Pa! Mabubuksan din natin agad ang restaurant na yun! Hindi tayo susuko! Gagawa tayo ng paraan papa!" Pasigaw na sabi ko kaya naman medyo nagulat si papa sa pagsigaw ko

napangiti naman si papa kaya napangiti din ako

"Manang mana ka talaga sa nanay mo, malakas ang loob at hindi basta basta sumusuko.." Pagkasabi niya nun ay niyakap niya ako at hinahawakan ang ulo ko kaya naman niyakap ko din ng mahigpit si papa

Nasa kwarto ako ngayon nanonood ako ng mga pagluluto sa youtube at hanggang sa napunta ako sa pastillas kaya naman na curious ako kung paano gumawa ng pastillas..
Favorite ko kasi yun

habang pinapanood ko yun ay naisipan kong mag try gumawa kaya bumili ako malapit sa tindahan namin ng mga ingredients tapos ay gumawa ako, kaso nung tinikman ko ay nasuka ako dahil ampanget ng lasa! wala na talaga akong future sa pagluluto hays.. pangarap ko pa man din maging chef

Pero nag try ulit ako hanggang sa maging okay naman na ang lasa at naglasang pastillas naman na, balak ko kasi itong ibenta sa school bukas, mag bebenta ako ng pastillas at bebentahan ko na din si math hehe..

kelangan ko makaipon ng pera, para naman mabayaran din namin yung mga kaunting utang namin ni papa, kelangan ko siyang tulungan..

kinabukasan...

"Bili na kayo pastillas!" Pagbebenta ko sa mga classmate ko

"Magkano yan?" Pagtatanong nung isa kong kaklaseng babae na si alexandra

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now