Chapter 34 - Tuyo at daing

194 12 13
                                    

Keysi Mendoza's POV

Nandito ako ngayon sa sofa at pinapapak ko yung nutella ni josh sabi niya kasi akin nalang daw, dahil gustong gusto ko daw kaya naman eto ako habang naka higa sa sofa pinapapak ko yung nutella tapos nanonood ako ng cartoons yung spongebob.

Hindi ako nakapasok ngayon dahil sabi ni tita ay mag pahinga muna ako, wala si tita at nasa zumba siya si tito naman ay pumasok kaya solo ko ngayon dito, yung mga maid naman ay nasa loob ng kwarto nila..

maya maya pa ay narinig kong may kotse na pumarada sa labas, ibig sabihin lang non nandon na sila math at josh kaya naman tumayo ako at binuksan yung pintuan nila

"Hi noona!" Bati sakin ni joshua at dumeretso na papasok sa loob at umakyat na agad sa taas

"Kumain kana?" Tanong ni math tapos napatingin siya sa TV kaya naman mabilis kong nilipat yung channel "Tsk isip bata talaga" Sabi niya pa

"Oy hindi ah"

"Ang dungis mo ang dami mong nutella sa gilid ng bibig mo, bata kaba?" Sabi pa niya kaya naman napatakbo ako sa salamin nilang malaki at nakita ko ngang ang dungis ko! Kaya ayun dumeretso ako sa lababo, tinignan ko naman si math at nakangiti siya habang hawak niya yung nutella na kinakain ko kanina tapos nilagay din sa lababo, naka drugs siguro to..

"Math? Gusto niyo bang kumain?" Tanong ko kay math, naalala ko kasing may tuyo at daing akong binili eh nung nag padala si papa, nakakamiss kasi kumain nun tapos isasawsaw sa vinegarrr..

"Why? Ipagluluto mo ba kami? Huwag na, baka masunog pa yung kitchen" Naka smirk na sabi niya kaya tinarayan ko siya

"Excuse me? Nag kataon lang kasi yun duh!" Sabi ko sabay flip hair, nag salubong lang ang dalawang kilay ni math.. Kinuha ko yung tuyo at daing kaya naman takang tumingin si math sa hawak ko

"What's that?" Taka niyang tanong

"Anong what's that ka jan, bakit mukha ba tong ibon sa paningin mo? Malamang isda to! Shunga!" Sigaw ko sa kanya pero nakatingin pa din siya sa hawak ko

"No, i mean anong isda yan? Hindi kami kumakain ng ganyan, ngayon lang ako nakakita, usually kasi yung kinakain naming isda ay tuna and salmon" Paliwanag pa niya

"Hay nako buhay ng mayayaman nga naman oh! Kawawa ka naman at hindi mo pa natitikman to, napaka swerte ko talaga at nakakatikim ako ng ganito.." Sabi ko nalang at nilagpasan ko siya at nag hanap ako ng suka, bigla naman bumaba si joshua at pumunta sa gawi namin

"What are you doing noona?" Tanong ni josh

"Mag luluto ako ng kakainin natin, masarap to" Sabi ko sabay nguso dun sa tuyo at daing

Taka din siyang tumingin doon sa daing at tuyo.. Ano ba naman tong mga to, mga inosente

"What's this?" Sabi niya habang hawak yung daing at tuyo

"Ano ba kayo, kanina what's that ngayon naman what's this? Ano? kabayong buntis? Jusko nakakaloka kayong magkapatid" Sabi ko nalang at nakita ko namang nag katinginan silang mag kapatid at sabay pang umiiling-iling

Magkapatid nga talaga sila!

Kinuha ko yung kawali at ayun nga niluto ko na yung kabayo at ibon este yung daing at tuyo, nakita ko naman yung dalawang mag kapatid na parang ang sama ng tingin at napahawak pa sila sa ilong nila

"Hey hey! Anong amoy yan?!" Biglang tanong ni math

"Wag kayong maarte ganyan talaga ang amoy niyan" Sabi ko nalang para manahimik siya

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now