Chapter 11 - New life

205 11 0
                                    

*Si math po ay si cha eunwoo kaya si eunwoo po ang nilagay ko sa picture sa may taas ☝️❤*

Math Del Rosario's POV

Akala ko umalis na si keysi sa room ko pero nakita ko siyang tulog na dito habang tulo laway pa kaya naman napatawa ako sa kanya..

Anong oras naba? 2:30 am na pala

Bumaba ako para uminom ng tubig pagka-akyat ko ay nakita kong muntik ng mahulog si keysi sa inuupuan niya kaya naman napatakbo ako agad upang saluhin siya

Etong talagang babaeng to! Sinabi ko na kasi na umalis na eh..

Ang sakit pa rin ng ulo ko, pero pinilit ko pa din siyang buhatin, ang bigat niya puro kasi kain to eh.. Hiniga ko siya sa kama para doon na siya mahiga.. Tinignan ko naman siya saglit nakita ko siyang medyo ngumiti, ano kayang panaginip neto? Siguro pagkain..

tsk tsk

Keysi mendoza's POV

Nagulat ako dahil pag gising ko ay nasa kama na ko ni math! Kaya naman napatayo ako bigla

"Aray!" Sigaw ko sabay hawak sa ulo ko

"Aw! Shit! The fuck!" Inis na sigaw ni math! At nakahawak din siya sa noo niya

Naka upo pala siya habang naka headphone at busy sa cellphone niya kaya naman pagka upo ko ay nagkauntugan kami nakaharap kasi siya sakin

"B-Bakit ka kasi nandiyan?" Tanong ko sa kanya

"Kwarto ko to eh" Walang emosyon na sagot niya

"Oo nga pero... b-bakit ako n-nandito?" Nagtatakang tanong ko at nanlaki ang mga mata ko! Napayakap naman ako sa sarili ko at tumingin ako sa damit ko

Bigla namang tumawa si math!

"Tanga ka talaga eh noh? Diba nga dito ka natulog? Kasi nga bimabantayan moko" Medyo natatawa pa din na sabi niya

Waahh oo nga pala!

"Eh bakit nandito ako sa kama mo ha?!" Sigaw ko naman sa kanya kaya naman, napataas ang dalawa niyang kilay at ngumisi ako naman ay nakayakap pa din sa sarili ko

"Wag ka ngang mag imagine! Wala akong ginagawa sayo! Hoy stupid girl paki ayos nga yung bastos mong utak!" Sigaw niya sakin

Nahimasmasan naman ako, oo nga naman bakit naman niya ko pagsasamantalahan eh ang panget panget ko, buti kung kasing ganda ko sila grace o nung andrea.. tsk

"S-Sorry na" Nautal pa na sabi ko

Pero di niya ko pinansin at lumabas siya sa kwarto, pumunta ako sa kwarto ko at nag ayos na dahil papasok na ulit sa schpol, pagkababa ko naman ay nakita ko si tita na nag papalit ng punda ng unan sa sofa pero nung makita niya ko ay bigla siyang ngumiti na parang nangaasar

"Kamusta ang tulog?" Nakangiting tanong niya

Alam ba ni tita na sa kwarto ako ni math natulog?!

"Ah eh ayos naman po" Nahihiyang sabi ko

nakita ko naman si math na nakaupo sa table habang umiinom ng coffee

si josh naman ay nagbabasa ng libro na harry potter, wow ah english yun diba? Nosebleed

ako nga wrong grammar mag english eh hahaha

"Ano panaginip mo, maganda ba?" Tanong ulit ni tita.. Ano bang napanaginipan ko? Hindi ko maalala eh hahaha! Pagkain ata?

"Ah eh.. Hindi ko na po maalala eh hehe" Medyo nahihiyang sagot ko.

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now