Chapter 41 - Love team

153 12 2
                                    

Keysi Mendoza's POV

Pagkalabas ko habang bitbit ko ang plastic ng cone at cup ay nakita ko si nathan na nakatayo doon at parang ang lalim ng iniisip lumapit ako sa kanya ng konti at tama nga ako, tulala siya.. Anong nangyari dito? Gulatin ko nga hahaha

"Booo!"

"Ay loveteam!" Gulat niyang sabi at napatalon pa siya sa sobrang gulat kaya naman natawa ako ng bongga!

"Anong loveteam?" Natatawa kong tanong tapos napahawak ako sa tyan ko sa sobrang tawa, pero napansin ko namang wala na si math, baka umalis na "Asan si mathematics? Umalis naba?"

"Umalis na, ano ba wag ka ngang nang gu-gulat!"

"Ano ba kasing iniisip mo haha lalim ng iniisip ah? Buti hindi ka nalunod.." Natatawa ko pa din na sabi

"Keysi paano kapag niligawan ka ni math?" Bigla niyang tanong kaya naman kinabahan ako bigla..

Bakit ba parate nilang tinatanong yung ganyan?

"Impossible alam kong hindi ako liligawan nun, loko loko yun eh, impossible yang tanong mo hate na hate kaya ako nun, tapos ano kaba hindi ako ang tipong babae nun, nandidiri pa nga yun sakin eh! Ang gusto nun sa babae maganda, sexy, matangkad at matalino, wala ako ng lahat ng yun! Kaya impossible.." Seryoso kong sabi kasi totoo naman eh si andrea at yung ex niya ang gaganda kaya

"Bakit? Maganda ka rin naman ah?"

"Ako??" Turo ko pa sa sarili ko "Nakikita mo ba yung itsura ko? May peklat nga akong maliit sa noo dahil sa kakulitan ko nung bata ako, tapos hindi pa matangos ang ilong ko, yung labi ko ang dry! Hindi din ako maputi at matangkad.." Sabi ko habang tinuturo yung kabuuan ko

"Bakit ba panget na panget ka sa sarili mo? Alam mo kasi for me ikaw yung pinaka cute na babaeng nakilala ko!"

"Bahala ka, basta para sakin hindi ako maganda.." Suko na ko alam kong lahat nalang ng sasabihin ko may panlaban siya eh..

"You're pretty" Sabi niya tapos may bumili na samin kaya naman nanahimik na kaming dalawa

Ewan ko ba, sinasabi naman ng iba na maganda daw ako pero karamihan sinasabi nila sobrang cute ko daw, dahil baby face nga daw ako, mag de-debut na ko sa birthday ko pero mukha pa din akong 12 years old kaines ha.. Pero naisip ko yung sinabi ni nathan kanina paano daw kapag niligawan ako ni math? Ang saya naman nun kasi kahit sobrang sungit sakin nun ni math... Mahal ko na talaga siya eh, possible nga kayang magustuhan ako ni math?

Sa sobrang layo ng iniisip ko napunta na ata yung utak ko sa moon nahawa ata ako kay nathan eh, at dahil nga sobrang layo ng iniisip ko, habang nag lalagay ako ng ice cream sa cone ay hindi ko namalayan na napuno na pala ito! Kaya ayun umapaw!

"Ay pesteng kalabaw!" Gulat kong sabi, napatingin naman si nathan sakin habang may hawak pa siyang pera sa kamay..

"Uy anong nangyari bakit umapaw" Medyo natatawa niya pang tanong

"Ikaw kasi eh!" Sinisi ko pa talaga siya eh noh?

"Bakit ako?!"

"Alangan namang ako?!"

Inayos ko nalang ulit yung ice cream, kumuha ako ng panibago at nag hati nalang kami ni nathan doon sa umapaw dahil sayang naman kung itatapon

"Nathan, ikaw naman ang tatanongin ko" Sabi ko habang sumusubo ng ice cream, napatingin naman siya sakin

"Ano yun?" Tanong niya

"Uhm kelan mo liligawan si grace?" Nakangiti kong tanong

Nasamid naman bigla si nathan sa tanong ko, kaya naman inabutan ko siya ng tubig dahil naluluha na siya sa sobrang ubo

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now