Chapter 36 - Acquaintance party

149 15 0
                                    

Keysi Mendoza's POV

Aquintance party na pero wala pa din akong partner, gusto ko sanang ayain si math kaso si andrea na ata talaga ang partner niya eh, alangan namang agawin ko siya kay andrea.. Hindi ako ganun nuh! Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si tita

"Oh, bakit hindi kapa nag aayos? Maligo kana at darating na maya-maya yung mag mi-make up sayo.."

"Nag dadalawang isip pa nga po ako kung pupunta ako tita eh"

"Why?? Meron ka nang gown, hindi naman pwedeng hindi mo yun isuot" Malungkot na sabi ni tita

"Wala pa po kasi akong partner" Nahihiya kong sabi kaya naman lumapit sakin si tita at tinabihan ako

"Don't worry kakausapin ko si math later about jan.." Nakangiting sabi niya

"Ay tita! Huwag na po! Ayos lang po kahit wala akong partner, pagkain lang naman po ang habol ko dun eh hehe" Natatawa ko pang sabi, umiling naman agad si tita sa sinabi ko

"Aniyo! No! Kailangan isayaw ka ni math" Sabi ni tita sabay pout, ang cute ni tita! Hindi talaga halata sakanyang nasa edad 30+ na siya, mukha lang siyang mga 23 sana pag umabot man ako ng ganyang edad ganyan din ako kaganda kagaya ni tita.. Kaso impossible yun ang panget panget ko eh kaya nga walang gustong makipag partner sakin hays..

Nabigla naman ako sa biglang paghawak ni tita sa buhok ko at inayos niya ito, "Alam mo ba? Nung nasa ganyang edad ako nag JS prom kami, sobrang nahihiya din ako nun dahil hindi ako sanay sa suot kong gown at may umaaya sakin pero mga manyakis puro sexy lang ang hanap! Pero biglang may lumapit sakin na isang lalaking sobrang amo ng mukha, super gentleman at higit sa lahat super gwapo!" Kinikilig pa na sabi ni tita "At yun ang tito rommel mo, sinayaw niya ko at simula nung araw na yun ay naging close na kami" Nakangiti pa na sabi ni tita

"Talaga po? Edi matagal na po pala kayong magkakilala ni tito rommel?" Gulat pa na tanong ko, hindi ko kasi alam na matagal na pala silang mag kakilala

"Yes, matagal na kaming mag kakilala ng tito rommel mo since 3rd year highschool, dito kasi ako nag aral simula grade 1 pero nung kinder ay sa korea ako with my mom.. At isa pa! Parang ako ikaw nun! Kasi naman ultimate crush ko rin yang tito rommel mo, tapos sa huli nagustuhan niya rin naman ako.." Masayang kwento ni tita kaya kinikilig din tuliy ako, possible din kayang magustuhan ako ni math?

"Maganda at mabait din po kasi kayo tita kaya ganun" Nakangiti kong sabi

"Yeah just like you! Sobrang naku-kyutan ako sayo" Nakangiti pang sabi ni tita at tinitigan niya pa ang mukha ko kaya nahiya tuloy ako

"Hindi po ako maganda tita ang panget panget ko po eh" Malungkot ko pang sabi, hinampas naman ako ng mahina ni tita sa braso kaya medyo natawa tuloy ako sa ginawa niya, tapos biglang sumeryoso ang mukha niya

"Huwag na huwag mong sasabihing panget ka, maganda ka keysi ayaw mo lang tanggapin dahil masyado mong dina-down ang sarili mo, actually you're so cute, at isa pa hindi naman importante ang panlabas na kaanyuan dahil nawawala din yan, alam mo kung anong mahalaga? Yun ay ang nararamdaman ng puso..." Sabi ni tita at nilagay pa niya ang palad niya sa kaliwang banda ng dibdib ko at nginitian ako "Huwag mo masyadong idown ang sarili mo ah?" Sabi pa ni tita

"Opo salamat po" Nakangiti kong sabi

"Walang anuman, oh siya be ready! Makikita nila ngayon kung gaano ka kaganda hindi lang sa panloob kundi sa panlabas na rin!" Excited na sabi ni tita sakin kaya tumayo na ko at kinuha ko na yung tuwalya at toothbrush ko, hinatid naman ako ni tita hanggang banyo

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now