Chapter 15 - Jealous

164 11 0
                                    

Keysi Mendoza's POV

Nandito pa din ako ngayon sinusundan ko pa din sila.. Nakita ko naman na pumunta sila sa cine!

Hala! Manonood sila?! May pera paba ko dito? Kinapa ko naman yung bulsa ko at buti nalang at meron pa kong extra money

"Anong gusto mong panoorin math?" Tanong ni andrea kay math

"Ikaw na ang pumili, kahit ano basta kung san ka sasaya" Nakangiting sabi ni math

Aba! Magaleng den palang bumanat!

pagka bili nila ng ticket ay pumasok sila agad doon sa loob kaya naman dali dali na din akong bumili sa counter, hindi ko alam kung ano yung papanoorin nila basta pumunta na ko agad don sa counter pag ka alis nila

"Pwede po ba na doon ako sa likod ng dalawa kanina na babae at lalaki?" Tanong ko don sa babae

"Sure po ma'am" Sabi nung babae sakin kaya naman nagbayad na ko at binigyan niya na ko agad ng ticket

Pagkapasok ko sa loob ay ang lamig! Nakalimutan kong magdala ng jacket! Malay ko ba kasi na manonood sila! Habang naglalakad ako ay tinakpan ko ang mukha ko ng buhok ko buti nalang ay sobrang dilim pa sa loob dahil ang aga pa masyado..

habang papunta ako sa likod nila ay muntik na kong madapa dahil di ko nakita na may paakyat pa pala pero buti nalang ay hindi naman nila ako napansin

pag kaupo ko naman ay biglang nag salita si andrea

"Math? Later samahan mo ko mamili ng dress ah? Gusto ko kasi madami akong isusuot for tomorrow" Nakangiting sabi ni andrea

"Sure" tipid lang na sagot ni math

pero maya maya pa ay nag salita ulit si andrea kaya naman inilapit ko ang ulo ko sa likod ng upuan nila

"Math? Anong ideal type mo sa isang girl?" Medyo maarteng tanong ni andrea kay math

"Ideal girl? hmm gusto ko maganda at matangkad" Sabi ni math

Maganda? Walang wala na ko nun, matangkad? Yung height ko pa naman parang pang kinder

"Sunod, sexy" Sabi pa ulit ni math

Sexy? Hindi ako sexy! Medyo may bilbil ako haha!

"Tapos, magaling mag luto" Sabi pa ni math habang naka ngiti

Magaling mag luto? Eh kanina nga naka sunog ako eh aish

"At higit sa lahat matalinong babae at hindi ta-tanga tanga" Seryosong sabi ni math kaya napatingin tuloy ako sa kanya diniinan niya pa talaga yung word na matalinong babae at hindi ta-tanga tanga ah?!

tinamaan naman ako masyado! Parang lahat ng sinabi niya ay tungkol sakin! Lahat ng nasa akin ayaw niya! Aba loko to ah

"So pwede ba ko? pasok ba ko sayo?" Tanong ni andrea kay math

"Yes" tipid na sagot ni math, napasimangot naman ako bigla

"Pwede ba maging tayo?" May pagka maarteng tanong nung andrea

"Maybe?" Nakangiti namang sagot ni math!

Sarap nilang itulak jan! Nag lalandian pa!

Pagkatapos non ay nanahimik nalang sila, maya maya pa ay andami na ding tao ang nag sisipasok

Hindi ko alam kung ano ba yung papanoorin nila eh ay teka hawak ko ung papel kanina na ticket ah?

Kinuha ko kaya naman nakita ko kung ano
"IT"? Anong it? it all you can? Haha ay eat nga pala yun

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Där berättelser lever. Upptäck nu