Chapter 27 - Street food

141 13 0
                                    

Keysi Mendoza's POV

Napaka talaga ng math na yun! Palibhasa kasi alam niyang may gusto ako sa kanya kaya ganun eh! *insert song* Pinapaasa mo lang ako kasi alam mo na crush kita~ Oo na crush kita, pambihira oh dati pa!~

Nandito kami ngayon sa kotse niya at nag mamaneho na siya ngayon, seryosong nag mamaneho

"Hoy daan muna tayo sa bahay nila nathan dahil kukuha ko siya ng damit" Pagkasabi ko nun ay tumingin siya sakin pero walang emosyon, wala ba talaga tong emosyon? Pag ba sinapak ko siya masasaktan kaya siya? Tsk

"Obligasyon mo ba talaga siyang ikuha ng damit?" Seryosong sabi niya habang nakatingin pa din sakin, potek talaga! Hindi ba nya alam na nag mamaneho siya?! Baka mabangga kami waahh

"Hoy ayoko pang mamatay! Tumingin ka sa daan jusko maryusep marimar math!" Natataranta kong sabi at tinuturo ko pa yung kalsada, nakakataranta naman kasi talaga, buti nalang walang gaanong sasakyan sa paligid iilan lang, pagtapos kung sabihin yun ay seryoso lang siyang nakatingin sa daan

"Hoy stupid girl may pangalan ako 'huwag mo kong hinohoy-hoy jan! Pektusan kita eh" Inis na sabi niya sakin habang nag dadrive, pero ngayon nakatingin na sya sa daan

"Hoy mathematics may pangalan din ako noh, wag mo kong ma stupid girl diyan at baka--" Naputol yung sasabihin ko ng bigla siyang nag salita, inunahan ako ng mokong na to

"Baka ano?" Tanong niya at nakatingin na naman sakin, naiilang talaga ako kapag tinitignan ako neto eh

"Baka tadyakan kita!" Medyo pasigaw kong sabi at napa taas lang ang dalawa niyang kilay

"Ha! Kung kaya mo" Naka ngisi niyang sabi sakin, hindi ko nalang siya pinansin at bumulong nalang ako sa ere ng "Antipatiko talaga"

"What?! May sinasabi kaba?!" Inis na tanong niya sakin

"Wala! Sabi ko ang gwapo mo kaso bingi ka! Mag linis ka nga minsan ng tenga!" Inis din na sabi ko, grabe nakaka high blood siya

"Nag lilinis ako ng tenga! At alam kong gwapo ako, huwag mo ng sabihin pa!" Inis din na sigaw niya sakin, aba hindi talaga papatalo ang isang to, sarap niyang itulak palabas ng pinto!

"Yabang ha?! Huwag ka nga mag buhat ng bangko!" Sigaw ko din sa kanya, syempre hindi ako mag papatalo

"Shut up! Tahiin ko bunganga mo eh!" Sigaw din niya sakin

"Shut up ka din!" Sigaw ko nalang sakanya at bigla niyang hininto yung kotse "Oh bakit mo hininto?!" Inis na tanong ko sa kanya, tumingin lang siya sakin na parang ako yung pinaka kinaiinisan niyang tao sa buong mundo

"Tanga ka talaga eh noh? Sabi mo ikukuha mo yung kaibigan mo ng damit right? Oh nandito na tayo sa harap ng bahay nila, tanga!" Medyo inis na sabi niya habang deretsong nakatingin sakin

"Ay sorry naman ha? Tanga kasi ako eh diba? Bwiset!" Sabi ko nalang at bumaba na ko ng kotse niya, kaines siya masyado kung maka tanga siya kala mo sobrang perpekto!

400 years later...

Pumasok na ulit ako sa kotse ni mathematics na nakakainis sobra, habang dala ko iilang damit ni nathan

"Tara na sa ospital" Sabi ko nalang, nakita ko naman siyang kumakain.. Hala anong kinakain niya? Fishball?! tapos may kikiam pa at kwek-kwek.. Kumakain pala to ng streetfoods eh

"Oh ano? Inggit ka?" Naka ngisi niyang tanong sakin at sabay subo sa kwek-kwek

"Kumakain ka pala ng street foods?" Tanong ko

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now