Chapter 5 - Tutor

206 12 0
                                    

Keysi Mendoza's POV

Ang saya saya ko ngayon dahil pumayag si math na turuan ako, hindi ko akalain na aabot sa ganito, hindi ko inaasahan na yung dati kong crush na walang pake sakin ay tuturuan ako... Thank you lord natupad na ang dasal ko noon

Nandito ako ngayon sa 'cream ice' wala pang costumer kaya eto busy ako sa pagkain ng ice cream.. Si nathan naman ay inaayos yung lalagyan ng ice cream busy siya don kaya hindi ko na kinakausap, busy din naman ako sa pagkain... Maya maya pa ay may mga bumibili na kaya naman ayun nag trabaho na kami

"Close naba kayo ni math?" Biglang tanong ni nathan sakin

"Hindi pa din, pero tuturuan niya daw ako kasi diba malapit na yung exam? Magpapaturo ako sa kanya.." Sabi ko kay nathan habang naglalagay ako ng ice cream para don sa babaeng umu-order

Napatango lang naman si nathan

"Sabihin mo lang sakin pag inaway ka nun ah? Ako bahala.." Sabi ni nathan sakin at pinakita pa niya sakin yung muscles niya haha

"Oo naman" Naka ngiting sabi ko sa kanya

"Good girl" Sabi niya at ginulo pa ang buhok ko

"Magulo na nga ginulo mo pa lalo" Sabi ko kay nathan at inayos ko ang buhok ko napatawa naman siya..


Maya maya pa ay umuwi na ko pagkarating ko sa bahay nila math ay sinalubong ako agad ni tita at nakangiting yumakap sakin

"Kamusta school? Sabi ni math nag part time ka pa daw.. Kelangan mo ba talagang mag part time?" Tanong sakin ni tita

"Ok naman po, ah opo eh kelangan ko po yun.." Sabi ko kay tita

"Okay sige.. May pagkain don sa table tara kain muna tayo." Nakangiting pag aaya sakin ni tita kaya naman napatango lang ako habang naka ngiti, mahirap tanggihan ang pagkain

pagkadating namin sa lamesa ay nakita kong kumakain si josh at si math naman ay nag babasa ng libro

"Nasan po si tito?" Tanong ko kay tita

"Nako may inaasikaso yun.." Sabi ni tita sakin at umupo na ko andito ako ngayon sa harap ni math

"Ange kuha mo si keysi ng chocolate slice cake doon" Sabi ni tita sa maid namin este nila at tumango naman yung maid

Pagkabigay sakin ng cake ay kumain na ko hmm sarap! Napatingin naman ako kay math na seryoso pa din sa binabasa niya, si joshua naman ay kinuha din yung libro niya at nag basa

"Naku ganyan talaga yang dalawa na yan puro aral" Sabi ni tita sakin kaya nahihiyang ngumiti ako

Hindi naman kasi ako ganun haha

"Exam na next week, bakit ikaw hindi ka nag re-review?" Tanong sakin ni tita

"Ah eh bukas nalang po siguro" Medyo nahihiyang sabi ko

"I see" patangong sabi niya sakin

"Hey stupid girl can i ask you a question?" Tanong sakin ni josh kaya naman kinabahan ako

"Hey Josh stop calling her stupid, she's your older sister.." sabi ni tita at pinanlakihan pa ng mata si josh

"She's not my sister.." Sabi pa nung josh napatingin naman si math samin pero binalik niya ulit yung tingin niya sa libro

"Ok lang po hehe" Nakangiting sabi ko

nakita ko naman si tita na umalis muna saglit at umakyat

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now