Chapter 10 - Math is sick

186 12 1
                                    

Keysi Mendoza's POV

Tinuturuan ako ngayon ni tita gumawa ng cake.. Kaso sobrang kalat na sa kitchen nila dahil sa mga pinaggagagawa ko, natapon ko pa ung icing pero natatawa lang si tita sakin dahil ang cute cute ko daw, sus ako cute? Hahaha matagal na, joke..

"Para talaga kay math gagawin mo ang lahat kahit na may icing kapa sa buhok mo.." Sabay tawa ng malakas ni tita kaya naman napangiti nalang din ako pero nahihiya

"Ilalagay ko na po ba itong icing sa gilid ng cake?" Nahihiyang tanong ko kay tita

"Yes, be careful ah?" Sabi niya habang inaalalayan pa ko

Eto ako ngayon maingat na nilalagyan yung gilid ng cake ng icing tapos si tita naman iniikot ikot yung sa baba nung lalagyan ng icing, yung maid naman ay nakatingin sa ginagawa ko, nakakahiya tuloy

Pero para kay math ay inayos ko..

Nakita ko naman si joshua na pumunta samin para tignan yung ginagawa namin

"What's that? It looks like a poop!" Sabi ni josh at natawa sinamaan ko naman siya ng tingin kaya naman kunwari pa siyang napatakip sa bibig niya

"josh stop it papaluin na kita" Sabi ni tita kay josh

Inayos ko naman yung ginagawa ko na cake pero di talaga siya ganun ka ayos kaya naman tinulungan ako ni tita na ayusin yung pagkaka lagay ng icing tapos medyo naging okay naman..

Pagkatapos non ay nilagyan ko yung cake ng 'Thank you math' tas sa baba '-love keysi' HAHAHAHA kinikilig ako kaya naman natawa si tita sa nilagay ko

"Wow ang ganda na, ilagay mo na sa ref" Sabi ni tita kaya naman nakangiti akong pumunta sa ref at inilagay dahan dahan, maliit na chocolate cake lang yun pero tingin ko ang sarap nun hehe

"Thank you po ng marami tita" Sabi ko sabay yakap sa kanya

"You're welcome sweetie, basta ikaw" yakap niya din sakin

nakita ko naman si josh na napataray pa sakin habang umaakyat ng hagdan kaya naman ako naman ang nag behlat sa kanya hahaha kala niya ah?

Nag paalam muna ako kay tita na aakyat muna ako dahil tatawagan ko si papa..

Nung nasa kwarto ako ay kinuha ko agad yung cellphone ko sakto naman na online na si papa kaya naman agad ko siyang tinawagan

"Oh anak kamusta kana?" Tanong agad ni papa sakin

"Pa ayos lang! Kayo kamusta jan? Kumain kana ba pa?" Tanong ko kay papa habang naka ngiti

"Oo naman anak, ikaw kumain kana ba?" Pagtatanong ni papa sakin

"Opo pa, kanina exam namin eh" Sabi ko kay papa

"Oh kamusta naman ang exam mo?" Pagtatanong ni papa habang may pasilip silip naman sa likod niya na lalaki kaya natawa si papa at ako din natawa

"Ayos naman papa, alam mo pa? Tinuruan ako ni math mag review" Masayang sabi ko

"Talaga? Napaka bait na bata naman niyan ni math! Nagpasalamat kana man ba?" Pagtatanong ni papa sakin

"Opo pa nagpasalamat ako sa kanya" sabi ko naman kay papa

Pagkatapos namin mag usap ni papa ay bumaba muna ako saglit para kunin yung cake sa ref at para ibigay ito kay math

"Math?" Tawag ko kay math at kumatok sa pinto niya pero walang sumagot, baka tulog kaya naman binuksan ko yung pinto niya sakto naman at hindi naka lock, sinilip ko siya at nakita kong tulog, di ko napigilan na lumapit sa kanya

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon