Chapter 46 - Surprise

149 13 0
                                    

Keysi Mendoza's POV

Pagising ko ay wala na naman si joshua sa kama ko, aga naman magising nung batang yun?

Anong oras naba?

Whuuut??!

12pm?!

Anak ng, bakit naman hindi niya ko ginising? Tsk

Grabe napagod yata ako kahapon sa pamamasyal namin ni math, pero wait malapit na talaga uwi ni papa dito! Ibigsabihin malapit na din akong umalis dito sa bahay nila..

Naligo muna ako bago ako bumaba sa sala, nakita ko naman si tita na nag luluto at naamoy ko yung niluluto niya kaya naman nilapitan ko siya

"Hmmm, wow tita! Adobong manok? Saraaap niyan, favorite ko po yan!"

"I know, kaya naisipan kong ipagluto kayo nito."

"Mukhang masarap yung adobo niyo tita, natatakam na ko" Natatawa ko pang sabi

"Haha, sandali nalang ito at maluluto na umupo kana lang muna doon sa table at nandun na sila math at josh"

"Asan po si tito?" Taka kong tanong dahil wala na naman si tito

"Aba'y ewan ko nga dun eh, umalis nalang ng hindi nag papaalam saakin.. Tinatawagan ko hindi naman sumasagot" Parang nag tatampong sabi ni tita at nag pout pa

Pero saan naman kaya nag punta yun si tito? Sana naman wala siyang babae hahaha

"Baka may inasikaso lang po yun, wag po kayo masyado mag alala kasi baka masira ang beauty niyo" Biro ko dahilan para matawa siya

"True yan, true yan dapat always happy lang tayo.."

"Yes po!" Masaya kong sabi at naglakad na ko papunta sa table

Habang nag lalakad ako sa table ay napatingin saakin yung dalawang mag kapatid, ano problema ng dalawang to sakin? May dumi ba ko sa mukha? Hays

"Hey, noona gising kana pala?" Nakangiting tanong ni josh sakin pag ka upo ko

"Ay hindi, di pa ko gising josh tignan mo oh tulog pa ko.." Sarkastiko kong sabi kaya naman natawa siya sakin

"Whatever.." Natatawa niyang sabi

pamilyar sakin yung 'whatever' niya, yun yung sinabi niya nung una kami mag kita dito sa bahay eh

nakita ko naman si math na busy sa cellphone niya, baka nag lalaro na naman ng piano tiles.. Oh di kaya may ka chat? Si andrea kaya?

"Busy sa cellphone ah?" Pagpaparinig ko sa kanya

Dahan dahan naman siyang napatingin sakin kaya nginitian ko siya

"Pake mo" Seryoso niyang sabi

Aba loko-loko to ah

"Wala akong pake, duh!" Sabi ko at tinarayan ko siya

Pagkasabi ko nun ay lumabas na si tita sa kitchen habang dala dala yung ulam, waahhh takam na takam na ko sa adobo huhuhu

"Okay guys, eto na yung hinihintay niyo, slowly lang sa pag kuha ah?" Nakangiting sabi ni tita habang nilalapag yung ulam sa lamesa

Unang kumuha si josh, sunod ako, sunod si tita at pinaka huli si math

susubo na sana si math ng pagkain niya pero pinigilan ko

"Hephep! Huwag muna, mag pray muna tayo bago tayo kumain..."

Napatango lang si math sa sinabi ko, napangiti naman sakin si tita at josh

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now