Chapter 47 - Ligaw

154 12 0
                                    

Keysi Mendoza's POV

Okayyy! Ang kalagayan ko pa din ngayon ay pinakikinggan ang usapan nila josh at math!

Nakakahiyaaaa yung pangyayaring yun hindi ko alam na nakita niyang baliktad yung librong hawak ko

*FLASHBACK*

Habang kumakain ako ng skyflakes ay nakita ko si math na pumasok sa library at dahil crush na crush ko siya ay sinundan ko siya habang papasok siya ng library, nakita ko naman siyang umupo doon at sinuot ang salamin niya, dali dali akong kumuha ng isang libro at umupo ako sa harap niya at binuksan ko yung librong kinuha ko para kunwari nag babasa ako

Pagkabuklat ko ng libro ay tungkol sa calculus pala ito kaya naman wala na akong pake diyan, pasulyap sulyap ako kay math habang nag babasa siya, waahhh ang gwapo talaga niya huhu, ang tangos ng ilong at ang puti niya! Ang haba pa ng pilikmata niya.. Seryoso lang siyang nag babasa ng libro, sobrang talino talaga niya, sana ako din.

sunod naman niyang binuklat yung isa niyang libro tapos nagbasa ulit, walang tao ngayon dito sa library kundi kaming dalawa lang kaya naman kinikilig ako pati ata pwet ko kinikilig hahaha

Kaharap ko siya ngayon! My ultimate crush

Kaso ano ba naman to, bulag ba siya? Bakit hindi niya ko tinitignan? Patay na ba ako at isang kaluluwa? Napatingin tuloy ako sa sarili ko, hindi naman siguro

"Ehem!" Kunwaring naubong asta ko

Hindi pa din siya tumingin sakin, nako ano ba naman itong lalaking to

"E-Ehem! Ehem!" Sabi ko at hinawakan ko pa kunwari ang lalamunan ko

Aasta pa sana ulit akong uubo pero hindi ko na natuloy dahil napatingin na siya sakin, waahhh my heart! Pero agad din niya iyong inalis pagkatapos tumayo na siya... Pagkatayo niya ay tumayo na din ako at inilapag doon yung librong hawak ko kanina potek baliktad pala yung pagkakahawak ko dun sa libro sana hindi niya napansin please

nakita ko naman si math na ngumisi, omg ang gwapo huhuhu tapos tuluyan na siyang lumabas

*END OF FLASHBACK*

Aahhhhh! Ibig sabihin nakita niya pala talaga yun! Ewan ko kung nakakahiya o nakakakilig!

Nilapit ko pa yung tenga ko sa pinto ni joshua konti nalang lulusot na ulo ko dito sa pinto sa sobrang diin ng pagkakalapit ko hahaha

maya-maya pa ay hindi ko namalayan ang biglang pagbukas ng pinto kaya naman nasubsob tuloy ako kay mathematics! Waaahhhh! Ano ba naman yan keysi!

"N-Noona?" Gulat na tanong ni josh

"H-Hi?" Hiya kong sabi at nag wave pa

"W-What are you doing here?" Tanong naman sakin ni math

Bakit ba nauutal kami? Aish

"Wala naman, uhm pupuntahan ko sana kasi si josh hehe" Nahihiya pa din na sabi ko at ngumiti na parang natatae lang "Ah sige, mamaya nalang bye!" Mabilis kong sabi at akmang lalabas na pero hinawakan ako ni math sa kamay

"Wait! Narinig mo ba y-yung usapan namin?" Parang kinakabahang tanong ni math

napatango nalang ako habang naka ngiti

"Noona? Narinig mo lahat lahat?" Singit naman saamin ni josh

"Oo nga"

"Jinjja?" Tanong pa ulit ni josh

"Ano? ginger?" Tanong ko

"Jinjja it means, really?"

"Ahhh, hehe oo narinig ko lahat.." Naiilang pa na sabi ko

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt