Chapter 16 - Date

156 10 0
                                    

Keysi Mendoza's POV

Aalis na sana ako sa lugar na yun pero may humawak sa kamay ko!

Si math?!

Akala ko ba umalis na sila ni andrea?

"What are you doing here?" Tanong niya sakin

"Ah.. Eh gusto ko sana kasi mamasyal! Andito ka din pala?! Grabe!" Kunwari na mamangha na sabi ko

"Kanina pa kita pansin, wag kana magsinungaling.." Seryosong sabi niya

"Simula kanina mo pa ko napapansin?!" Gulat na tanong ko

edi nakita niya pala ko?! Paano?!

"Yep, simula kanina pa nung pagkapasok ko sa car" Sabi niya

"Halaa! Nakakahiya!" Sabi ko

"Talagang nakakahiya, pati reactions mo at higit sa lahat yung ipis na hinagis mo na hindi naman totoo kay andrea, why did you do that?" Nakakunot ang noo niyang tanong

"Eh kasi nakapatong yung ulo niya sa balikat mo eh" Naka pout na sabi ko

"Ano naman?" Naka ngisi na tanong niya

"W-wala naman" medyo nautal na sagot ko

"Nagseselos ka ba?" Pang aasar niya

"H-hindi naman" Nahihiya pa din na sagot ko

Aish ano ba naman yan oh!

"Really?" Naka ngisi pa din na tanong niya

"H-Hindi nga sabi eh! Tsaka asan naba si andrea?" Kunwaring naiinis na sabi ko sa kanya

"Hinatid ko na sa kotse niya, umuwi na yun, bakit?" Tanong niya

"Wala naman" tipid lang na sabi ko

"Nagutom ulit ako, tara kain tayo" Sabi niya sabay hila sakin

Omg nagdididate kami! Date ba ang tawag don?

"Saan tayo kakain math?" Tanong ko sa kanya

"Saan mo ba gusto?" Seryosong tanong niya

"Sa mcdo sana haha" Masayang tanong ko

"Mcdo? Ayaw mo ba sa mga restaurants?" Tanong ni math habang nakatingin sakin, nailang naman ako kaya tumingin nalang ako sa paligid

"Hindi ba restaurant ang mcdo?" Tanong ko

Napatingin naman siya sakin ng deretso at parang naiinis na naman..

Bakit? Nagtatanong lang naman ako eh tsk..

"Okay, tara sa mcdo" Seryosong sabi niya

Ngumiti naman ako sa kanya pero tumingin lang siya sakin

"Yehey! Thank you math!" Masayang sabi ko

favorite ko kasi yung chicken sa mcdo eh doon ako minsan pinapakain ni papa, lalo na yung mcflurry nila! Hmm Sarap nun!

pagkarating namin si mcdo ay dumeretso na si math doon sa pila para mag order

"Maghanap kana ng upuan don" Sabi ni math habang kumukuha ng pera sa wallet niya tinanong niya ko kung ano gusto kong orderin kaya naman sinabi ko na

"Meron akong pera dito math" Mabilis na sabi ko sabay kuha ng wallet ko sa bote

"No need, ako na" Sabi lang ni math at sinenyasan ako ng maghanap na ng upuan kaya naman nag hanap na ko

may nakita naman ako agad sakto pang dalawahan...

First date namin to...

Ay hindi pala to date masyado akong assumerang frog hays

Habang hinihintay ko si math ay chinat ko si grace

'Grace! Kasama ko si math ngayon mag mcdo!' -Me

'omg!? For realll?!' -Grace

'Oo grace waaahh' -Me

'Omg enjoy keysi!' -Grace

'Thank youuu' -Me

Tapos non ay nag offline na ko

Makalipas ang 400 years ay dumating na si math habang dala dala yung tray.. Habang nag lalakad siya palapit sakin ay feeling ko nag slow motion na naman ang paligid

Ang gwapo ni math... Totoo bang kasama ko siya ngayon? Hehe

"Wow!" Sabi ko pagkalapag niya ng pagkain sabay kuha ako agad ng balat ng manok at sinawsaw sa gravy

Si math naman ay seryoso lang habang kumakain

"Math? May gusto kaba kay andrea?" Pagtatanong ko sa kanya

"What do you think?" Seryosong sabi niya sabay inom ng tubig

"Ah, tingin ko meron?" Hindi siguradong tanong ko

"Okay" Sabi lang niya

Tsk! Kapag ako talaga ang kausap niya sobrang seryoso niya at parang hindi interesado!

kainis talaga siya

"Alam mo ba math? Favorite koto, sa mcdo kasi kami parate kumakain ni papa, tapos ganito parate ino-order ko, ang sarap kasi ng mcflurry eh, gusto mo?" Nakangiting tanong ko

tumingin lang siya saglit sakin tapos ibinalik na ang tingin niya sa pagkain at umiling lang kaya naman nag pout nalang ako

napaka suplado!

Napansin ko naman na parang kanina pa tingin ng tingin kay math yung mga babaeng nasa kabilang table at mga kinikilig sila tapos yung iba nag bubulungan pa habang nakatingin kay math..

"Math? Tingin ko kelangan na natin umalis dito, kaya bilisan mo nang kumain.." Seryosong sabi ko kay math, taka namang tumungin sakin si math at pinunasan niya ng tissue yung bibig niya

"Why?" Tipid lang na tanong niya, sinenyasan ko naman siya na kanina pa siya Tinitignan ng mga girls sa kabila, napatingin naman siya don sa mga babae kaya ayun kinilig yung mga babae, tapos kumain nalang ulit si math

"Bilisan na natin" Sabi ko pa, siya naman ay parang wala lang dahan dahan pa din siya kumain samantalang ako muntik pang mabilaukan sa sobrang kakamadali ko kumain

Makalipas ang 2 min ay naubos ko na ang pagkain ko, siya naman ay medyo malapit na din

"Ang bagal mo naman math" Sabi ko habang tinititigan siya

"Bagal your face" Sabi niya sabay ngisi!

Aba! Nakakainis siya kahit kelan! I hate math! ay hindi love math?!

kahit ganito pala hindi ko pinagsisihan na hindi ko sila inistalk.. Buti nalang pala na stalk ko sila para aayain ako ni crush ng ganito hehe

----

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now