Chapter 52 - Debut

152 15 0
                                    

Keysi Mendoza's POV

This is it pansit! Debut ko na! Birthday ko na! Waaahhhh! Kinakabahan ako! Sa ngayon inaayusan ako nung pinsan ni tita na nag make up saakin nung acquintance party, kung tanda niyo pa siya hehe

"Handa kana ba anak?" Tanong ni papa sakin

Naka ayos na din si papa, ang gwapo gwapo ng papa ko huhu

18 years old na 'ko pero mukha pa rin akong 13 years old?! Hustisya sakin!

"Opo papa" Masaya kong sabi habang kinukulot yung buhok ko, tapos na akong ayusan sa mukha

Nakita ko naman si joshua na sumilip sa may pinto pero nung nakita ko siya ay bigla siyang umalis, loko talaga yung batang yun

anong oras naba? 6pm na pala, wala pang dumadating na bisita, si tita at tito ang nag aayos ng party sa labas, sinabi ko sa kanila na wag na silang mag abala pa at kumain nalang kami sa labas pero ayaw ni tita gusto niya may party kaya ayun, kumuha pa nga sila ng dalawang professional na photographer para mamaya, tapos may pa karaoke pa, maluwag ang labas ng mansion kaya naman dun daw gagawin yung party hindi ko pa nakikita pero alam kong maganda na ngayon doon sa baba, si math ang nag bigay ng invitation sa mga iba kong kaklase kaninang umaga, kaya kinakabahan talaga ako ng bongga hindi ako sanay na ganito

"Papa kinakabahan ako" Sabi ko kay papa

"Bakit naman anak?"

"Maraming darating na bisita, pati nga lola ni math pupunta, kinakabahan po ako"

"Wag kang kabahan anak, minsan lang 'to mangyari sa buhay mo, mag enjoy kana lang okay? Nandito naman ako" Nakangiting sabi ni papa

"Opo pa" Nakangiti kong sabi

"Bakit ka naman kinakabahan? Nanjan naman si math" Pang e-echos sakin nung pinsan ni tita habang tinitignan yung ayos ng buhok ko

"Ay hehehe, first time ko po kasi"

"Masanay kana"

"Po?"

"Masanay kana kako, kapag naging boyfriend mo si math ang swerte mo mahilig mag surprise yan"

"Ganito din po ba ginagawa niya sa ex niya?" Tanong ko

"Sayo lang niya ginawa yan, ngayon ko lang nakita si math na tumawa at ngumiti kapag kausap ka, hindi siya ganun dati" Nakangiting sabi ni ate

OMG!

"Ganun po ba? Hehe" Nahihiya kong sabi

"Yup, ayan! Tapos na, napaka ganda mo" Nakangiti niyang sabi habang naka tingin sa kabuuan ko

"Ang ganda mo anak, akala ko artista"

T-Talaga?

"Sino po kamukha kong artista papa si kathryn bernardo ba?"

"Naku mas maganda kapa dun"

Hay nako alam kong niloloko lang ako ni papa hahaha

Tumayo na 'ko at humarap sa salamin

...

...

...

O-kay? Ako ba 'to?

Waaahhhhhhh!

Ang ganda ko! Hindi naman sa pagmamayabang pero ang ganda ko talaga promise! Ang ganda ng pag kaka make-up sakin, yung mata ko medyo lumaki tapos yung kilay ko ang gandaaa! Pak na pak! Tapos parang tumangos yung ilong ko, ang pula pa ng lips ko! Tapos idagdag pa yung kulot kong buhok ko ngayon, lalo na yung gown, nag mukha akong prinsesa sa wakas nag mukha din akong tao... Ngayon lang hays gumanda lang ako dahil sa make up.

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Där berättelser lever. Upptäck nu