Chapter 38 - Kahihiyan

178 15 4
                                    

Nathan fermantez POV

Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko si math na nakasilip pala samin ni keysi

"Oh mr.genius anong ginagawa mo?"

"None of your business" Walang reaksyong sabi niya sabay labas, kakausapin niya siguro si keysi, nag seselos siguro...

pagkapasok ko sa loob ay nakita kong kumakain si grace

"Masarap ba?" Nakangiti kong sabi sakanya

"Oo eh, uy akin kana este kain kana" Sabi ni grace kaya naman natawa ako

"Bumabanat ka ah?"

"Biro lang kasi!" Natatawa pa niyang sabi, napatingin naman ako kay andrea at parang naiirita siya sa mga nangyayari hahaha

"Asan na pala si keysi?" Tanong ni grace sakin sabay inom ng juice

"Kasama ni math" Pagkasabi ko nun ay napatingin sakin si andrea

"What? Magkasama sila? Asan sila?" Sunod sunod niyang tanong

"Ewan" Tipid ko nalang na sabi, masyado siyang epal eh

maya-maya pa ay dumating na si math kaya tuwang tuwa ito si andrea, katabi niya na kasi si math, pero wait... Naiwan na naman doon si keysi?

"Bakit hindi kapa kumain?" Seryosong tanong ni math kay andrea

"Hinihintay kita" Makungkot na sabi ni andrea

"Nandito na ko, kumain kana"

Asan si keysi? Gutom na yun alam ko eh

"Si keysi kaya asan gutom na kasi yun eh" Kunwaring tanong ko pa sa sarili ko dahilan para mapalingon si math sakin, bigla naman siyang tumayo ulit sa kinauupuan niya

"Hey math where are you going?" Tanong ni andrea

"Cr lang ako"

Cr? Pero sa labas ang punta? May banyo ba dun? Hindi ko nalang pinansin, nagugutom na rin ako kaya kumain nalang ako..

Keysi Mendoza's POV

Nandito pa din ako ngayon sa labas, ilang minuto na ko ditong nakatayo dahil hindi mawala sa isip ko yung ginawa ni math, feeling ko mababaliw na ko ng walang sa oras... Ayokong mapunta sa mental hospital!

"HOY!"

Hindi ko pinansin yung sumigaw, anong gagawin ko? Bakit ko ba nasabi yung mga yun? Paano na ko neto

"Hoy tanga! Pumasok kana sa loob at kumakain na mga tao!" Biglang sigaw ni math sakin kaya nagulat ako

"Hindi ako tao, tanga ka rin, unggoy ako shunga.." Ayan yung lumabas sa bibig ko eh dahil kinakabahan ako sa tuwing makikita ko siya

"Pasok na!"

No choice pumasok na ko kasama ni math dahil nagugutom na rin ako... Pagkapasok ay ang sama ng tingin sakin ni andrea na akala mo kakainin ako ng buhay.. Masarap ako ah?

Fast forward na tayo...

"This is it pansit! Start na!! Ito na yung pinakahihintay niyo, pwede niyo ng sayaw ang gusto niyong isayaw!"

Pagkasabi nun ng MC ay tumugtog na yung a thousand years kaya naman nag si tayuan na sila, bago tumayo si math ay tumingin muna siya sakin, inaya niya na si grace na sumayaw ganun din sila nathan at grace.. So ang eksena ngayon ay ako lang mag-isa... Naiwan ako kaya naman kumain nalang ulit ako, tapos kumuha pa ko ng ice cream..

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now