Chapter 9 - Exam

197 11 0
                                    

Keysi Mendoza's POV

This is it! Exam na! Monthly exam palang naman to at may periodical pa!

Pagka pasok na pagkapasok ko sa room namin ay lahat sila ay nag lalaro lang.. Oh diba parang walang exam, may nag ce-cellphone sa likod, yung iba ay puro ML tapos yung isang babae naman tiktok ng tiktok parang tanga na pataas taas yung cellphone tas biglang ilalapit sa mukha hahaha! yung iba naman ay natutulog at yung iba ay kumakain.. Si nathan ay nakita kong sumasali don sa mga kaklase naming lalaki na nag lalaro ng 'UNO' yung card

Samantalang ako, umupo ako, sa upuan ko syempre.. Tapos nilabas ko yung dalawang libro ko yung math at science, nag review ako at kinabisado ko yung dapat kabisaduhin kailangan kong magkaron ng mataas na score! Para to kay math! Para hindi niya na ko sasabihan ng tanga..

Pero habang nasa kagitnaan ako ng pag re-review ay napansin kong lahat ng classmate ko ay nakatingin sakin na parang nag tataka..

Anong meron? May babagsak ba na malaking bulalakaw sa likod ko? Bakit sila ganyan makatingin, kaya naman napatingin tuloy ako sa likod ko na may bintana, wala naman.

"Totoo ba to?! Nag rereview si keysi?!" Gulat na sabi nung isa naming kaklaseng pabida

"Wow naman, ano to bagong buhay?" Nang aasar na sabi ni nathan

"Masama ba mag review ha?" Tanong ko sa kanila

"For the first time in foreverrr.." Kanta nung kaklase namin na babae yung kanta sa frozen

Mga loko

"Mga sira!" Sigaw ko sa kanila, at nag tawanan lang sila, nakita ko naman na lumapit sakin si nathan

"Bagong buhay ah? Nahawa kana ba kay math? hahaha" Natatawang tanong niya

"Wag ka ngang maingay jan.." Sabi ko kay nathan at nagpatuloy lang ako sa pagbasa

"Pakopya keysi ah? Magaling kana ba sa math?" Pang aasar niya sakin

"Wala.. Wala akong naintindihan" natatawa din na sabi ko kaya naman napatawa nalang din siya at umiling iling

Makalipas ang ilang minuto ay bigla ng dumating si ma'am habang may hawak na test papers.. Kinakabahan ako! Omg lord take me na pleasee. Joke lang po pala hindi ko pa nagiging boyfriend si math eh haha

"Ang unang exam niyo ay mathematics.." Sabi ni ma'am habang nakatingin sa test papers.. Yung mga kaklase ko naman ay nagrereklamo na bakit una yung mahirap na subject

napalaki din ang mata ko at napanganga pa, may pumasok pa nga ata na langaw dahil napaubo ako

Nagulat ako dahil nakita kong dumadaan yung mga taga section one sa labas ng room namin ibigsabihin nag sisipuntahan na sila sa cafeteria?! Tapos na sila?!

"Yes guys tapos na mag exam mga taga section one dahil nauna sila ng one hour satin at mabilis din naman nilang natapos, pero mamaya mag e-exam ulit sila sa english subject naman" Paliwanag ni ma'am samin ako naman ay nakatingin pa din sa labas hinihintay kong makita ko si math

At ayun! Dumaan na nga si math! Pero deretso lang siyang naglalakad hindi man lang lumingon sakin kaines sunod sa kanya si grace nakangiti si grace sakin at nag senyas na 'keri mo yan!' kaya naman tumango ako sa kanya at ngumiti siya at umalis na din, nagulat naman ako dahil biglang sinara na ni ma'am yung pinto

Pagkasara niya nun ay inabot niya na samin isa isa ang test papers.. nakita ko naman si nathan na pa chill chill lang at kumuha pa ng chichirya sa bag niya

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now