Chapter 13 - Disaster

170 13 0
                                    

Keysi Mendoza's POV

Kinabukasan...

Pagkababa ko ng hagdan ay nakita kong nag aayos na sila tita, nakita ko naman si josh na naka bihis na ng pang taekwondo niya, hinanap ko si math pero wala pa siya, baka tulog pa.

"Oh, hi there keysi, goodmorning." Nakangiting bati ni tita sakin

"Goodmorning din po" Naka ngiti din na sabi ko

"Goodmorning inaanak" Bati din ni tito sakin kaya naman binati ko na din siya

"Aalis muna kami saglit ah? Day off ng nga maids ngayon kaya ikaw nalang muna ang mag luto ng pagkain ah? Okay lang ba?" Tanong sakin ni tita, napatingin naman ako sa paligid wala nga yung mga maids! hala waaahh paano na ito?!

"Keysi okay lang ba?" Parang nang aasar pa na tanong ni tita at tinulak pa ko gamit ang pwet niya!

"Ah, eh? O-opo!" Medyo nauutal pa na sabi ko at nginitian ko nalang din si tita kahit na alam kong yung ngiti ko ay parang ngiting natatae

"Don't worry stupid girl, hindi ka aanuhin ni kuya dahil hindi ka naman sexy.." Sabi ni josh at nag behlat na naman sakin! Pigilan niyo ko at baka matadyakan ko tong batang to!

"Josh ano kaba! Tara na nga" Sabi ni tita at piningot po ang tenga ni josh

"Ouch mom!" Sigaw nung josh, buti nga sayo! Nung tumingin siya sakin ay nag behlat din ako sa kanya

nakita naman ako ni tito kaya natawa tuloy siya sakin

"Pagpasensyahan mo na yan si josh, ganyan lang talaga siya.." Nakangiting sabi ni tito

"Naku ayos lang po, sanay na ko sa kanya hehe" Nahihiyang sabi ko naman

"Oh siya, mauna na muna kami ah?" Paalam ni tito, gusto ko sana sabihin kay tito na 'Dont leave me tito please! Save me!'

Kaso wala eh, bahala na si superman

"Ingat po.." Nakangiti nalang na sabi ko at napatango nalang siya at lumabas na din..

So ngayon, natulala ako saglit.. Ano nang gagawin ko ngayon? Okay sa ngayon kelangan ko muna pumunta ng kitchen!

May nakita naman akong hotdog na tender juicy sa ref at itlog, tama! Ito nalang muna.. Tumingin naman muna ako sa hagdan wala pa naman si math eh kaya siguro ito na ang pagkakataon upang mag luto..

Pagkasindi ko ng kalan ay nagulat pa ko sa apoy dahil napalakas. Akala ko sasabog eh

Ganito lang mag prito guys tuturuan ko kayo.

Step one. syempre kelangan lagyan ng mantika ang kawali at hintayin itong uminit. Hawakan niyo para malaman niyo kung mainit naba, joke lang wag ganun mapapaso kayo hahaha

Step two. Syempre pag mainit na ang mantika, don niyo na ibuhos ang pagmamahal niyo sa crush niyong wala namang pake sainyo este yung hotdog, ilagay niyo na yung hotdog dahan dahan.

Step three. Syempre hayaan niyo lang hanggang sa maluto

Bigla naman tumalsik yung mantika sa kamay ko! Anak ng siopao na mantika yan! Kaya naman kumuha pa ko ng isang kawali panlaban sa mantika, baka kasi matalsikan ako sa mata, mukha akong susugod sa gera neto

Pag ka flip ko ng hotdog ay nakita kong nasunog yung kabilang side hala! Omg patay ako neto! Napalakas ata kasi yung apoy! Paano ba to? Nataranta ako kaya naman nabuhusan ko ng tubig yung kawali kasi biglang umusok baka kasi sumabog! Na paranoid ako bigla, napatili na din ako..

Nagulat naman ako dahil nakita ko si math pababa ng hagdan yung mukha niya para natataranta at nag aalala

"What are you doing?! Bakit ka tumitili?" Magkasalubomg ang dalawang kilay na sabi niya

"K-kasi yung-" Hindi ko pa natutuloy ang sinasabi ko ay bigla niya ng pinatay yung kalan tapos ay itatapon na sana yung hotdog na nasa kawali dahil nasunog na talaga

"Nag luluto lang naman ako kaso nasunog" Sabi ko pa ulit habang kagat lower lips ko

"Luto? Luto ba ang tawag dito?! Sinusunog mo na ata ang buong kitchen!" Inis na sigaw niya sakin at akmang tatapon na yung hotdog

"Sandali! Wag mo itapon sayang.." Pagkasabi ko non ay inis siyang tumingin sakin saglit at inilagay sa pinggan yung ilang hotdog at inabot sakin

"Okay, ikaw kumain niyan, sayang pala eh" Sabi niya lang

What theeee! Ayokong kumain ng sunog!

"Bakit ako?!" Tanong ko sabay turo pa sa sarili ko

"Alangan namang ako?! Di ba nga sayang?! Ikaw ang kumain niyan!" Inis na sabi niya sakin..

"Ayoko nga!" Inis din na sabi ko sa kanya

"What the fuck is wrong with you?!" Galit na siya.. uh. oh pero ang gwapo niya pa din

"Tigilan moko sa mga pag e-english mo at wala akong maintidihan!" Sigaw ko din sa kanya syempre di ako papatalo

Nakita ko naman siya na napahilamos sa sarili niyang mukha at tumingin sakin hinawakan pa niya ang dalawang balikat ko at medyo inilapit ang mukha niya sakin.. Hahalikan ba niya ko?

"Okay fine.. Ako nalang ang mag luluto para matigil na to, but please? Lumayas ka muna dito at doon ka muna sa sofa" Mahinahon na sabi niya habang nakaturo sa labas ng kitchen at lumayo na siya sakin

"Bakit? Ayaw mo naba sakin math?" Sabi ko sabay pout

tinignan niya lang ako ng masama, as in masama kaya natakot ako, kaya eto ako ngayon nag lalakad na papunta sa sofa at padabog na umupo, binuksan ko nalang yung TV para manood sakto naman na The conjuring ang palabas! Kaya nanood nalang muna ako at tumitili pa ko kada lalabas yung madreng multo..

Nakita ko naman na napapatingin sakin si math siguro iniisip niya na sinasapian na ko dito hahaha

Math del rosario's POV

Baliw ata ang babaeng yun eh, mag piprito na nga lang sinunog pa.. Sumasakit ulo ko sa kanya, nakaka stress

Inayos ko ang table at naglagay na ng dalawang pinggan

"Hoy stupid girl! Siguro naman ay kaya mong mag timpla ng kape?!" May pag ka sarcasm na tanong ko, napatayo naman siya agad at lumapit sakin

"Oo naman! Sige gagawa ako ng kape" Medyo mabilis na sabi niya at nag lakad na papuntang kitchen

After 30 minutes... Dumating na din siya at muntik pa siyang mapatid sa wire malapit sa ref kaya naman napapikit ako sa inis

Hindi talaga marunong mag ingat eh, sumasakit na talaga ulo ko sa kanya

"Eto na po ser oh" Sabi niya sabay bigay sakin nung kape, at umupo na siya don sa kabilang upuan so mag kaharap kami..

Makakatagal ba kong kasama tong babae na to?

---

Author's note: Pasensya na po kung hindi ganun kaganda ang story ko.. Sana po ay nagugustuhan niyo pa din.

Salamat poooo ❤


I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now