Chapter 31 - Jeepney

166 13 1
                                    

Keysi Mendoza's POV

Grabe naman talaga tong puso ko oh! Ang bilis ng tibok, parang sumasabak sa karera! Hoy puso kalma lang, huwag ka masyadong marupok! Nag lakad na ko papunta sa room nila kuya tonton at pag bukas ko ng pinto ay nag uusap si nathan at papa niya

"Keysi nanjan kana pala" Sabi ni grace sakin habang kumakain ng saging, ano ba naman to napaka takaw, kada pupunta dito kain ng kain hahaha

"Kain nang kain ah?" Sabi ko sabay kuha din ng saging at kumain hehe

"Oo nga eh, ikaw din eh" Asar sakin ni grace

"Hello po kuya tonton, meron na po tayong pambayad para sa operasyon niyo" Nakangiti kong sabi

"Hindi niyo naman kailangan pang mang hingi ng tulong sa ibang tao" Mahinahong sabi ni kuya tonton

"Ayos lang po kuya tonton, bukal sa loob naming tumulong kaya wag na po kayong mag alala, ang importante ngayon ay ma operahan po kayo para po hindi na mag alala tong si nathan" Sabi ko nalang

"Maraming salamat sainyo, sobrang swerte ng anak ko at may ganito siyang klaseng kaibigan, kagaya niyo.." Medyo naiiyak pa na sabi ni kuya tonton

"Group hug!" Biglang sabi ni grace kaya ayun nag group hug kaming apat

"Ipagdasal niyo ko" Sabi ni kuya tonton kaya naman nakangiti kaming tumango...

"Nathan ito na pala yung ambag namin nila math" Sabi ko sabay abot kay math ng maliit na envelope

"Maraming salamat" Sabi niya habang pinupunasan ang luha sa mga mata niya

"Don't cry nathan" Sabi ni grace kay nathan at pinunasan pa ni grace yung luha ni nathan gamit ang daliri niya, sweet naman nila, bagay ang dalawang to eh..

"Babayad ko lang to doon, bantayan niyo muna si papa ah?" Sabi nalang ni nathan samin at lumabas na..

"Kuya tonton humiga po muna kayo" Sabi ko at inalalayan namin siya ni grace para makahiga, mukha kasi siyang inaantok na kaya naman pinahiga na namin siya.. Maya maya pa ay nakatulog nga si kuya tonton kaya naman kumain nalang ulit kami ni grace ng saging..

Bumukas naman ang pinto at pumasok na si nathan

"Nabayaran ko na" Naka ngiting sabi ni nathan

"Kain ka muna ng saging nathan" Alok ko sa kanya

"Mukha kayong mga unggoy jan hahaha" Natatawa niyang sabi samin ni grace, grabe naman to pero oo nga no? Ang dami kasi naming kalat na balat ng saging hahaha

"Baka ikaw ang mukhang unggoy" Sabi ni grace kay nathan kaya natawa ako pero naisip kong mag ga gabi na kaya naman kailangan ko ng umalis agad dahil sabi ni math wag daw akong mag pa gabi

"Ah nga pala nathan kelangan ko na umalis maya-maya, dahil bawal ako gabihin, pupunta nalang ako ulit bukas dito.." Sabi ko

"Sige sige, mag iingat ka sa pag uwi ah? Hindi kapa susunduin ni math?" Tanong niya

"Hindi eh, pero kaya ko naman umuwi mag isa eh" Sabi ko nalang at inayos yung kalat namin ni grace na balat ng saging

"Osige basta ingat ah? Paalam niyo nalang ako kay ma'am pag pasok bukas ah?" Sabi ni nathan at umupo sa tabi ng papa niya

"Oo sige, alam naman na ata ni ma'am yung nangyari kaya wag kana mag alala" Sabi ko at akmang aalis na

"Bye grace, una na muna ako sayo ah?" Paalam ko sa kanya kaya naman nag beso beso kami, sosyal eh hahaha

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now