Chapter 7 - Broken heart

181 12 0
                                    

Keysi Mendoza's POV

Nandito kami ngayon ni math sa kwarto niya dahil sabi niya sabay na daw kami mag review wala namang pasok bukas dahil sabado kaya pumayag na din ako dinala ko yung bag ko sa kwarto niya at doon kami nag review

"Math? May crush kaba?" Tanong ko kay math ewan natanong ko lang naman wala akong matanong eh

"Wala" Maikling sagot niya nakatingin lang siya sa libro niya

"Ah okay hehe" Nakangiting sabi ko at binuksan ko ang libro ko sa english

"How about you? May crush kaba?" Naka ngisi na tanong niya sakin

Ano ba naman yang tanong niya..

Manhid ba sya? Hindi ba nya alam na siya ang crush ko?

"Ah eh ih oh uh" Sabi ko napatingin naman ako kay math na nagtatakang nakatingin sakin

"What?" Tanong niya

"Math? Ikaw ang crush ko" Mabilis na sabi ko sa kanya

napatawa naman siya

"Why me?" Tanong niya habang naka turo pa sa sarili niya

"Basta wag mo nalang tanungin.." Sabi ko sa kanya

"Hindi kita gusto at hindi kita magugustuhan.." Sagot ni math kaya naman napatingin ako sa kanya, tumingin din siya sakin blanko ang emosyon niya

"B-Bakit naman?" Nagtataka na tanong ko sa kanya

"Wag mo nalang din tanungin.." Pagkasabi niya nun ay nagbasa na siya sa libro niya, ako naman ay nakatitig lang sa kanya, bakit ganun? Bakit hindi pwede? Dahil ba panget ako? Nakakaiyak naman yun

"Magbasa kana jan" Sabi niya pero malungkot pa din ang mukha ko

'Hindi kita gusto at hindi kita magugustuhan..'

Nag e-echo na naman yung sinabi niya

hindi ako nakatulog don sa sinabi niya napapaisip ako kung bakit niya nasabi yung mga ganun..

Gusto ko sana ichat si papa kaso hindi siya online

hanggang sa nakatulog na ko...

kinabukasan...

Pagbaba ko sa hagdan nila ay may nakita akong magandang babae! Teka ito yung classmate ni math ah?! Yung madaming nagkaka crush! Bakit naman siya nandito? Kinakausap siya ni tita tapos katabi niya si math si josh naman ay nakatingin din don sa magandang babae! Hinanap ko si tito pero wala siya

"You're so pretty!" Nakangiting sabi ni tita sa kanya, nandito ako ngayon sa likod ng ref dahil baka makita nila ako nagtatago ako dito para makinig sa pinag uusapan nila...

"Thank you po" nakangiting sabi nung magandang babae, ang sexy! At ang puti, tangos ng ilong

"Mom sasamahan ko lang si andrea sa mall dahil kailangan niya daw bumili ng dress para sa birthday niya.." Sabi naman ni math

"Sure! Sure, ingat kayo okay?" Sabi ni tita

"Yes mom.." tipid na sagot ni math

"Bye pretty girl" naka ngiting sabi naman ni josh! Aba! Bakit kapag don sa babae ang sweet niya tinawag pa niyang pretty samantalang sakin stupid girl ang tawag niya!

Teka sino ba yun? Oo alam kong sa SMA din yun nag aaral dahil nakikita ko siya pero anong pangalan nun? At kaano ano niya si math? Bakit siya nandito?

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now