Chapter 29 - Ex

158 12 0
                                    

Keysi Mendoza's POV

Pag ka pasok ni grace ay ako naman ang lumabas, hinanap ko si math at nakita ko siyang nag babasa ng libro malapit sa kainan doon kaya naman nilapitan ko siya

"Math? Ano ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya

"Hindi ba obvious sainyo na nag babasa ako ng libro? Ano bang ginagawa ko? Nag siswimming?" Inis na tanong niya, grabe naman ito masyadong high blood

"Ay sorry ha? Akala ko kasi kinakain mo yung libro.." Inis din na sabi ko at tinarayan siya

"Tabi jan, uuwi muna ako" Walang emosyong sabi niya

"Hala? Sama muna ako kasi sabi ni papa mag papadala daw siya ngayon eh, tutulong kasi siya sa pagbayad ng ospital ni kuya tonton" Sabi ko kay math

"Tara na" Sabi nalang ni math sakin habang hawak niya yung libro niya

"Paalam muna tayo kila nathan"

"okay"

Pagkapasok namin ay nagulat kami ni math dahil pagkapasok namin ay umiiyak si nathan! Hala anong nangyari?! Jusko po! Kaya naman dali dali akong lumapit, napatakbo pa ko, at nakita kong gising na pala si kuya tonton!

"Gising na si papa!" Masayang sabi ni nathan at napayakap pa sakin habang naiiyak, si grace ay masaya din, kaya napangiti din ako ng bongga!

Pagkatingin ko sa likod ko ay wala na si math! Iniwan ako? Pero biglang bumukas yung pinto at pumasok yung doctor at sunod si math, tinawag niya pala yung doctor..

Tapos nun may sinabi yung doctor na kelangan pa nga daw operahan si kuya tonton

"Magiging okay din po ang papa ko diba?" Medyo naiiyak pa na sabi ni nathan sa doctor nginitian naman siya ng doctor

"Oo naman basta tiwala lang, everything's gonna be okay" Naka ngiting sabi nung doctor

Pag katapos nun ay lumabas na yung doctor at lumapit ako kay kuya tonton kami ni nathan, ngumiti siya samin pero di pa din nag sasalita

"Pa magiging okay din ang lahat" Naiiyak pa din na sabi ni nathan, di ko na din napigilan ang sarili ko, naiyak na din ako, syempre nakakaiyak naman din talaga eh, alangan namang tumawa ako diba

Hinagod hagod ko naman ang likod ni nathan at yumakap siya sakin

"Thank you ulit keysi"

"Walang anuman,"

"Mauna na muna ako sainyo, tumawag kasi si mom nag papasama kasi sakin, nathan text text nalang ah? Kita kits nalang bukas sa school keysi" Sabi ni grace samin at niyakap niya muna si nathan sunod ako, yayakapin niya din sana si math kaso siguro naisip niya na hindi mag papayakap yung maarteng yun kaya naman nginitian nalang ni grace

"Ingat ka grace" Sabay na sabi namin ni nathan, at lumabas na siya, naiwan na naman kaming tatlo dito bale apat pala kasama si kuya tonton

"Kayo? Hindi paba kayo uuwi? Alam kong kelangan niyo din mag pahinga, may pasok pa bukas.." Sabi ni nathan samin, napatingin naman ako kay math at naka cross arms lang siya

"Maya-maya na nathan, dito nalang muna kami" Sabi ko kay nathan at tumabi ako sa kanya

"Pa, kamusta pakiramdam mo?" Tanong ni nathan sa papa niya, tumingin naman samin si kuya tonton medyo naiiyak din siya

"A-Ayos na k-ko anak, s-salamat sainyo" Medyo nauutal pa na sabi ni kuya tonton

"Wag na po muna kayo mag salita kuya tonton baka nahihirapan kasi kayo, mag pagaling nalang po muna kayo, nathan wag mo muna siyang tanungin" Sabi ko

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now