Chapter 30 - Pag-iwas

170 15 2
                                    

Keysi Mendoza's POV

Anong dapat kong gawin? Titigilan ko na ba? Masyado kasi akong umaasa eh.. Nandito ako ngayon sa school, wala si nathan kaya mag isa lang ako dito sa sulok ng room namin, tulala..

Kanina nung nasa loob ako ng kotse nila math hindi niya ko tinitignan kaya di nalang din ako nag sasalita, hanggang sa makarating kami sa school, nauna siyang mag lakad samin ni josh

math subject...

"Okay class sabi ni principal sa friday na daw ang aquintance party kaya mag handa kayo okay?" Sabi ni ma'am samin

"Opooo" Sabi namin

"Sagutan niyo yung page 49" pag kasabi nun ni ma'am ay nakasimangot ako habang kinukuha sa bag ko yung libro na math, ang hirap hirap ng math eh, kagaya niya ang hirap intindihin.. Bagay lang sakanya yung pangalan niya

"Ano ba naman to, ang haba haba ng iso-solve tapos 3 lang sagot niyan, bwiset" Inis kong bulong sa book ko, wala akong kausap eh bat ba

makalipas ang ilang minuto ay nag sabi si ma'am na ipasa na namin kaya naman nanghihinayang akong ipasa... hanggang 3 lang yung nasagot ko buset, napa yuko nalang ako pag balik ko sa upuan..

"Ms.Mendoza ano ba tong sagot mo at mali mali naman" Medyo inis na sabi ni ma'am, bakit ba kasi yung sakin yung inuna niya? Anak ng tinapa naman to si ma'am

"Hindi ko po alam ma'am eh" Nahihiya kong sagot

"Kakausapin ko mamaya si Mr.Del Rosario at sasabihin kong itutor ka ha? Tutal mag kasama naman kayo sa iisang bahay" Pag kasabi ni ma'am nun ay kinabahan ako! Napatingin ako kay ma'am at umiling

"Ma'am wag na po! Kay grace nalang ma'am!" Medyo mabilis kong sabi pero wala, lumabas na si ma'am ewan ko kung narinig niya pa yung sinabi ko..

Nung nag recess ay dumeretso na ko sa cafeteria at nandun na si grace kaya naman senenyasan niya ko na umupo na

"Kain na, sabay na tayo mamaya na pumunta kila nathan ah?" Sabi sakin ni grace kaya tumango nalang ako at kumain na kami, nakita ko naman si math sa kabilang table at kumakain din habang naka earphone, parang kagaya ng dati nung di pa kami mag kakilala, hindi niya ko pinapansin, kung umasta siya ngayon ay parang hindi niya ko kilala

"May problema ba si math? Kasi kanina pa siya parang badtrip, pansin ko lang" Biglang sabi ni grace kaya napatingin ako sakanya

"Ah baka may problema lang" Sabi ko nalang sabay subo ng kinakain kong corned beef

"I see" Sabi nalang din ni grace at sumubo na din sa pagkain niya

Nung mag uwian ay naalala kong na kay math pala yung babayaran sa ospital na ambag nila tito at tita.. paano ko ba makukuha yun ngayon? Hindi ko siya kayang harapin baka sigawan na naman niya ko eh.

"Grace wait lang ah? Kukunin ko lang kay math yung pera" Sabi ko at tumango lang si grace sakin

Pumunta muna ako sa room nila pero wala siya dun, kaya naisip ko na baka nasa library siya at tama nga ako nandun siya habang nag babasa ng libro, siya lang yung nandun kaya naman nag dadalawang isip ako kung pupuntahan ko ba siya, kaso kailangan eh

may nakita naman akong batang lalake na siguro grade 4 palang nilapitan ko siya

"Bata bata san ka ginawa? Este may uutos sana ako sayo eh okay lang ba?" Tanong ko sa bata

"Ano po iyon?" Mahinahong tanong niya, hala ang cute niya naman! Mukha siyang amerikano hahaha

"Ahm pwede bang sabihin mo sa lalaking naka upo don sa may library na, yung bayad daw sa ospital pinapasabi ko? Sabi mo keysi pangalan ko, tapos kunin mo sakanya yung pera at ibigay mo sakin" Nakangiting sabi ko, bago sumagot yung bata ay nag isip muna siya, nilagay niya pa yung isang daliri niya sa sintido niya at tumingin sa taas na parang nag iisip talaga.

Aba talaga naman oh, pinag hihintay pa ko nang batang to

"Hmm kayo nalang po hehe babye" Sabi niya sabay takbo, anak ka ng ina mo! Boset naman yun oh, cute pa naman siya eh

No choice, ako na nga lang... Derederetso akong pumasok sa loob ng library walang ligoy ligoy para mabilis matapos pero habang papasok ako ay nag ka banggaan kami ni math! Napa upo tuloy ako sa sahig! Aray ko po ang pwet ko! Dahan dahan kong inangat ang ulo ko para tignan si math, mag kasalubong lang ang dalawang kilay niya at nakatingin sakin

"Ah eh, hi math.." Nahihiya kong sabi at tumayo agad muntik pa ko matumba sa bigla kong pag tayo pero hinawakan agad ni math ang bewang ko! Ekkk Aaahhhhh

"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh" Seryoso niyang sabi at binitawan na ang pag kakahawak niya sa bewang ko

"Ay sorry naman, bulag eh haha" Medyo nahihiya pa ding sabi ko

"Bakit kaba nandito?" Seryoso pa ding tanong niya

"Y-Yung pera k-kasi nasayo daw sabi nila tito at t-tita" Nauutal kong sabi, ano ba yan! Bakit ba ko nauutal?! Umayos ka keysi!

"Ah yeah, here" Sabi niya sabay abot nung envelope na maliit na may lamang pera kaya naman kinuha ko na

"Thank you math" Sabi ko at aalis na sana siya pero sinundan ko siya "Hindi kana ba galit sakin?" Tanong ko sa kanya, deretso pa din siyang nag lalakad

"Why? Galit ba ko sayo?" Tanong niya naman

"Kasi diba kagabi.." Nahihiya kong sabi, huminto siya sa pag lalakad at deretsong tumingin sakin

nailang naman ako kaya iniwas ko ang tingin ko

"Kalimutan mo nalang" Walang emosyong sabi niya at mabilis na nag lakad kaya naman lumakad na din ako, pag kalabas ko ay wala na si grace sa gate asan na yun? Bigla naman nag vibrate ang phone ko kaya naman tinignan ko ito

From: Grasya na maganda♡
'Keysi nauna na ko, tagal mo eh 😂 Sabay kana lang kay math'

Hala naman oh! Tinignan ko naman si math na nag lalakad papunta sa kotse niya, kaya naman tumakbo ako palapit sakanya

"Ah math, pwede ba kong sumabay sayo?" nahihiya kong sabi tumingin lang siya sakin pero wala pa ding emosyon sasabihin ko sana na wag nalang pala pero tumango na siya eh at sabay pasok sa kotse niya

kaya naman pumasok na din ako sa kotse niya

"Kahit hanggang sa kanto lang math pupunta pa kasi ako kay nathan" Nahihiya kong sabi pero di niya nalang ako pinansin at nag mamaneho lang

May pag-asa paba ako kay math? Pero naalala ko yung sinabi ni mama sakin noon, hangga't tumitibok daw ang puso parating may pag-asa..

Hanggang sa makarating kami sa ospital ay hindi siya umimik kaya naman hindi ko nalang din siya kinausap mamaya masigawan na naman niya ko eh.

"Thank you sa pag hatid math" Nakangiti kong sabi sa kanya, bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse pero bigla siyang nag salita

"Umuwi ka agad ng maaga, hindi safe para sa tangang tulad mo mag byahe ng gabi"

Pag kasabi niya nun ay ngumiti siya sakin ng konti, oo konti lang.. Napangiti nalang ako at tumango at bumaba na at mabilis niyang pinaharurot yung sasakyan niya..

Napangiti naman ako bigla sa sinabi niyaaa! Kahit sinabihan niya ko ng tanga, kinilig pa din ako! Waahhh

'Umuwi ka agad ng maaga, hindi safe para sa tangang tulad mo mag byahe ng gabi'

nag echo na naman yung sinabi niya jusmiyo math! Concern ba siya sakin?

Mathematics bakit ka ba ganyan..


•••••••••••••••••

Author's note: kung may nag babasa man po, sana nagugustuhan niyo po yung story at sana naiintindihan niyo 😅 Comment naman po kayo kung may mali man para maitama ko HAHAHA Thank you pooo~♡

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon