Chapter 39 - Sementeryo

199 12 1
                                    

Keysi Mendoza's POV

Gusto kong mag kulong sa kwarto! Anak ng tinapa kasi yung ginawa ko kagabi eh, ganun pala ang feeling ng lasing parang nawawala sa sarili

biglang may kumatok sa kwarto ko, baka si math na naman yun tsk

"Wala! Patay na tao dito!" Sigaw ko

"Uhm keysi?" Hala! Si tita pala yun! Ano ba naman ako oh!

"Hala tita, wait lang po!" Natataranta kong sabi sabay takbo para buksan yung pinto

Nakita ko naman si tita na naka ngiti sakin at may hawak na tray, naamoy ko naman agad yung pagkain na dala niya, lugaw! Naglaway naman ako agad, gutom na rin kasi ako

"How are you? Buhat buhat ka ni math kagabi akala ko kung anong nangyari sayo, na lasing ka pala" Sabi ni tita habang nilalapag yung tray sa mini table ko... Hala, nakakahiya naman oh! Baka isipin ni tita na lassengera ako!

"Ay tita, hindi po ako lasengga ah? K-Kasi po yung waiter inalok ako eh" Nahihiya ko pang sabi

"No, it's okay, ayos lang naman na ma experience mo yun" Natatawa pang sabi ni tita

"Salamat po" Nahihiya pa din ako

"Sinayaw kaba ni math kagabi?" Pang aasar niya sakin

"Ah, opo nung huli"

"Good" Nakangiti niyang sabi "Oh siya, kumain ka muna para mainitan yung sikmura mo"

"Salamat po tita ah?"

"No worries" Nakangiti niyang sabi "Baba muna ako ah? Kumain kalang jan"

"Opo tita salamat po ulit"

Naalala ko naman na malapit na pala yung periodical exam namin! Hindi pa ko nakakapag review tapos yung project pa sa math na lumang coin daw! Nakaka stress naman hahaha

Bigla ko namang naalala yung libro na binigay sakin ni math noong gabi na tumawag si nathan sakin nung pagkagaling namin sa star city, yung about sa math na subject, kaya naman dali dali ko itong kinuha...

Pinilit ko itong intindihin, kumuha na rin ako ng papel at calculator para turuan ko yung sarili ko, dahil alam kong sarili ko lang ang makakatulong sakin para maintindihan ko ang math... isang oras din akong nag-aaral ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Tumatawag si papa sa messenger! Dali dali ko itong kinuha at sinagot.

"Papa bakit po kayo napatawag?"

"Anak malapit na ang birthday mo, may surprise ako sayo!" Halata sa boses ni papa na masaya nga siya

"Ano po yun papa?" Excited kong tanong

"Uuwi na ko jan anak! tumawag kasi sakin yung nag pasara ng restaurant natin! Pinapabukas na daw nila ulit! Tapos makaka upa na tayo ng bahay dahil naka ipon na rin naman ako dito" Masayang sabi ni papa

"Hala! Waaahhh! Buti naman at mabubuksan na ulit natin yung restaurant natin!" Masaya kong sabi "Kelan ka uuwi papa? Sa oct 5 na ang birthday ko, sept 29 na ngayon" Sabi ko pa

"Sa oct 3 ang uwi ko nag sabi na ko sa boss ko dito.." Masayang sabi ni papa, lalo naman akong na excite

"Buti naman pa! Miss na miss na kita eh" Medyo naiiyak pa na sabi ko

"Oh wag kana malungkot jan uuwi na si papa"

"Opo pa, masaya ako"

"Sige na, may aasikasuhin pa ako eh, tatawagan nalang ulit kita"

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now