Chapter 25: Give Me Some Water

54 3 13
                                    

Shin Eazer's PoV

"So what made you decide to go?" I asked Rae as soon as I saw her outside her house.

"Eliz made a point on her last text message, so I got convinced," she answered as she walk towards my direction. "Ba't hindi ka manlang nagsabing susunduin mo pala ako?" she complained.

I just laugh at her. "Para wala ka nang takas. Kilala kita. Ayaw mong nao-overpower ka ng emosyon mo, so you keep denying," Matapos 'yun ay inaya ko na s'yang sumakay sa kotse ko. "Sakay na. Baka wala na tayong abutan do'n"

Tahimik lang si Rae habang nagba-byahe kami. Napapangiti na nga lang ako, dahil ito yata ang pinaka-unang pagkakataon na pinili ni Rae na pagbigyan kung ano talagang nararamdaman n'ya. At least, hindi na masasayang ngayon ang pagkakataon...

"Bakit pangiti-ngiti ka dyan, ha?" tanong ni Rae na nasa passenger seat.

"Haha, natutuwa lang ako kase nakumbinsi ka na rin sa wakas" sagot ko sakanya habang nagmamaneho.

Medyo bininilisan ko nga ang pagpapatakbo, dahil baka nga wala na kaming abutan, kung babagalan ko lang.

Usually a concert last for an average of two hours. At sa oras ngayon, siguro nangangalahati na ang RH sa setlist.

Kailan pa ba ako huling pumunta sa! concert arena na 'yun?... Matagal na. Hindi ko na maalala. Dati-rati kapag napapadpad ako doon, nandoon ako para tumayo sa entablado at mag-perform kasama ang buong Gassho. Ngayon, 'pag umapak ulit ako roon, isa nalang ako manonood.

Kung buo pa kaya kami ngayon?

Nakaka-miss din pala.

Bakit kase huli kong napagtanto na ang pagpe-perform sa stage na 'yun ang pinakagusto kong gawin? Kung hindi lang siguro ako naging piloto, hindi mangyayari 'yung aksidente... siguro, buo pa sana kami ngayon.

"Shin!"

Napa-apak agad ako sa brakes nang marinig ko si Rae na binanggit ang pangalan ko. "Bakit?"

"Ingat naman. Hindi mo ba napansin 'yung tumawid? Muntik mo na kase masagi"

"Ha, hindi, sorry. Madilim na kase. Teka, nandyan pa kaya s'ya. Hihingi nalang ako ng pasensya" Hindi ko na hinintay ang sagot ni Rae, basta bumaba nalang ako ng sasakyan. Buti nalang at wala masyadong sasakyan ngayon dito at hindi naman ako magdudulot ng traffic.

Pagkalabas ko naman ng pinto ng sasakyan ay napansin ko kaagad ang isang lalaking nakahinto sa tabi. "Sir, ikaw po ba 'yung kaninang tumawid? Pasensya na---," Kusa akong napahinto sa sinasabi ko nang harapin ako ng lalaki. That same man I met in a street who's with a Gassho High student.

Mukhang pinaaalalahanan na talaga ako ng pagkakataon na ayusin na lahat ng gulong nagawa ko.

"YU..."

Hindi lang ito ang kailangan kong ihingi ng tawad sakanya. May isang bagay pa. At alam kong hindi 'yun matatapos basta-basta, dahil lang sa salitang patawad.

Wala na. Parang nabato na ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko inaasahan na ganito ako susurpresahin ng pagkakataon.

"Uhm, sorry po, sir. Nasaktan po ga kayo?" Rae get out of the car and then he said that to Yu. "Mag-iingat nalang po kami sa susunod. Pasensya na ulit" Rae added and then she tried to pull me back to the car.

New SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon