Chapter 2: Encounters

32 4 13
                                    

Nashry's PoV

"Nash, nanood ka ng balita, kanina?" tanong ni Emi. Nakapwesto na kami rito sa bintana ng music room at pinanonood na tumutugtog ang Random."Hindi. Bakit?" sagot ko nang hindi inaalis ang tingin ko sa mga members ng Random.

"Bumalik na pala dito siYuki Hikumi kaninang umaga?"

Napalingon ako sakanya at nagpakita ng isang naguguluhang ekspresyon. "Yuki, ano?"

Nanlaki naman ang mga mata n'ya at napanganga ng konti ang bibig. "My gosh, Nashry, Hikumi. Yuki Hikumi. 'Yung super galing na fingerstyle guitarist na laging laman ng TV guestings!" Paliwanag ni Emi ng may kataasang tono ng pananlita as if she wanted me to remember what I don't know.

Yuki Hikumi? Sa TV daw kamo? Hindi naman ako pala-nood ng TV. Tsaka hindi naman ako laging updated sa balita, kaya hindi ko talaga s'ya kilala. Pero, isang gitarista raw 'yung Yuki at magaling. My god, Nashry how can you miss such kind of people. Sakto pa naman s'ya, dahil mahilig ako sa mga gitarista. Matagal-tagal na rin akong naghahanap ng mga bagong musciains ngayon na makakapantay sa vibes na binibigay saakin ng bandang Raising Highschoolers at Gassho, mga dati na silang banda, pero the best parin ang music nila. Rival bands sila na parehong nabuo sa school na 'to, kaya rin dito ko talaga piniling mag-aral. Maliban sakanila, wala pa talaga akong natitipuhang music.

"Sorry, hindi ko s'ya kilala" sabi ko.

"Oh my goodness! Of all people, Nashry! Ikaw dapat ang pinakanakakakilala sakanya. He's Enzan's teacher. Hindi ba nabanggit ni Enzan ang tungkol sakanya sa'yo noon?" gulat parin na sabi ni Emi.

Umiling ako. "Sows! Manood ka manlang kase ng balita! Out dated ka na sa mga magagandang music ngayon" sabi nito.

Wala naman akong pakeelam kung gaano na kaluma ang pinapakinggan ko, as long as I like it, time won't be a problem. "Sige na. Sige" sabi ko nalang, para matapos na.

So, bale may koneksyon pala 'yung Yuki kay Enzan. Siguro nga, kailangan ko nang makilala ang taong 'yon. Kababata ko si Enzan, at bata palang kami hanga na ako sa galing n'ya sa paggigitara. Cheerful s'ya at palagi n'ya akong mino-motivate na tumugtog din ng music. Noong una, nakokontento lang ako na makapanood lang ng mga mahuhusay, pero ngayon, gusto ko na maging katulad nila, na pinapanood sa stage. Nagshe-share ng music at nagiging inspirasyon, para sa iba. All thanks to him. Enzan Cortez.

Matapos ang usapan namin, wala nang nagsalita saaming dalawa. Tanging ang tunog ng maganang piano, mabilis na pag-beat ng drums, nagha-harmonize na mga gitara at ang magandang boses ni Hiroi ang maririnig. May ilan-ilang tumitingin din sa Random, pero hindi naman sila nag-iingay. Ine-enjoy lang nila ang kanta kagaya naming ni Emi.

"Aren't they great?" Pareho kami ni Emi na napalingon sa likod nang may marinig kaming boses ng lalaki mula roon. Kung hindi ako nagkakamali, ang lalaking 'to ay si Nathan Fiersh, mula sa section ng 11 - Wolfgang Amadeus Mozart, ang crème section ng buong Grade 11.

Nakaka-intimidate pala talaga na maka-kausap ka ng mga galing sa Mozart, gaya ng sabi ng karamihan sa campus. Meron kase silang aura ng isang karespe-respetong tao. Nakakatakot din na makipag-lokohan sakanila, dahil parang base sa mga kilos nila, hindi naman sila mahilig sumakay sa mga kalokohan.

"Y-Yeah" tipid at hindi komportable kong sagot sakanya.Lumapit s'ya sa pwesto naminat pinanood din ang Random. Medyo bumigat ang atmosphere nang dahil sa presensya n'ya, pero itinoon ko nalang ang mga mata at tenga ko sa tumutugtog na banda sa music room, para mawala sa isip ko ang lahat ng 'yon.

"Uhm, Ms. Montero, right?" tanong ni Nathan kay Emi. Si Emi naman na mukhang umiiwas din sa mabigat na feeling ng presesnya nito ay bahagyang nagulat nang bigla n'yang marinig ang pangalan n'ya.

New SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon