Chapter 9: Damond as Damond

56 3 72
                                    

«Featured Song»
「Arpeggio」
By: [Alexandros]

Nashry's PoV

Magdadalawang linggo na din simula no'ng mag-transfer si Yuki dito sa Gassho High. Hindi na gano'n kaingay at kagulo ang mga estudyante kapag nandyaan s'ya. Nasanay na rin siguro sila.

Dissmissal time na. In-invite ako ni Damond na manood muna ng tennis match nila noong taga kabilang section. Ang sabi ni Damond, pagkain daw ang pusta nila. Kung sino ang mananalo sa match ay s'yang makakatanggap ng libreng pagkain mula sa natalo.

Wala naman ako masyadong gagawin, kaya pumayag ako.

"Wooo! Grabe, hindi namam ako na-inform na mga hottie ang mga maglalaro ngayon?" dinig kong sabi ng isang babae sa 'di kalayuan. Nakapwesto na ako sa labas ng open tennis court at naghihintay nalang na makita kung sino 'yung kalaro ni Damond.

"Nashie!" Masiglang lumapit si Damond saakin. Nasa loob na s'ya ng court. Pumesto s'ya sa harap ko habang may harang sa pagitan naming dalawa. "Buti nakapunta ka" sabi nito habang halatang galak na galak.

"Ah. Hehe, wala naman kase akong masyadong gagawin ngayon. Tsaka isa pa, mas maganda kung sumabay na ako sa'yo pauwi, since sa bahay ka naman ni Yuki umuuwi ngayon, 'di ba?" sagot ko naman sakanya.

Kamakailan lang, sinabi ko kay Damond ang tungkol sa nasabi ko sa mga reporters noong isang linggo. Nandoon din noon si Yuki. Dahil mukhang pino-problema din ni Yuki 'yung mga makukulit na reporters ay naisip n'yang sakyan nalang na si Damond ang nakatira sa kapitbahay ko, at sa iba s'ya nakatira. Hindi n'ya na nabanggit sa'kin kung saan s'ya tutuloy, pero basta s'ya na daw ang bahala.

"Gano'n ba? 'Wag ka magalala, Nashie, 'pag nanalo ako dito, kakain muna tayo, bago tayo umuwi" Masiglang sabi ni Damond at ngumiti pa na, parang kumpyansang kumpyansa s'ya.

'Yung ngiting 'yon. Walang gano'ng pinapakita sa'kin si Ryuji. Magkaibang magkaiba talaga sila...

Panahon na kaya para...

Tigilan ko na ang pagi-isip kay Ryuji?

Maya-maya ay may pumasok sa court na isang lalaking may hawak ng tennis racket. Naka-cap s'ya at naka-sports wear.

"Waaaaaa!" Nagsitili ang mga kababaihan na nanonood.

Tinignan ko tuloy ng maigi 'yung dumating. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha n'ya, dahil sa cap na suot n'ya, kaya gumalaw-galaw pa ako ng konti sa pwesto ko, para makahanap ng magandang view, para makita ang itsura n'ya.

Kung bakit naman kase nagsisitili ng  ganyan ang mga babae dito, nakaka-curious tuloy.

Tinanggal no'ng lalaki 'yung suot n'yang cap, kaya mas nakita ko ng maigi ang itsura n'ya. Sharp eyes, thin lips, pointed nose, sharp jaw lines, white skin, at black hair na tinatakpan ang kaliwa hanggang pakanang bahagi ng noo n'ya. Pogi nga s'ya.

Dahil sa pagka-busy ko sa kakatingin doon sa lalaking mukhang ang makakalaban na ni Damond, hindi ko na namalayan na pumwesto na pala si Damond sa isang side ng court at nag-practice pumalo.

Tinignan ko ulit 'yung lalaking kalaban ni Damond at napansin kong naka-headset pala s'ya. Nasa kabilang side na s'ya ng court, pero imbis na gawin din n'ya ang ginagawa ni Damond, iba ang ginawa n'ya, hindi gaya ni Damond, ang kumpas ng kamay n'ya na may hawak ng raketa ay pababa na para ba s'yang... nagda-drums. Napansin ko din na  pumapadyak din ang paa n'ya na para bang umaapak sa bass pedal.

New SoundWhere stories live. Discover now