Chapter 27: Audition

40 2 0
                                    

«Featured Pieces»
Partita No. 3 in E Major Preludio
[By: Johannes Sebastian Bach]

Sonata No. 2 Obsession
[By: Eugène Ysayë]

Nashry's PoV

Pasukan na namin ngayong January. Ngayong araw na kami magpa-audition. Inasikaso naman na namin ang lahat ng kailangang asikasuhin para rito simula December at kahit maging noong nasa Christmas break kami.

"Nuks, audition? Bilis ng panahon, 'no? Sikat na kayong tatlo" Napalingon ako sa pinto nitong music room at nakita kong naglalakad si Felice ng Random.

First time naming gagamit nitong special music room, at talaga ngang mga mahal na instruments ang nandito. Parang nakakatakot tuloy humiram ng instrument, dahil baka masira.

"Hehe, oo nga eh. Malaking tulong si kuya Samael at 'yung pagpe-perform namin sa coffee shop... and maybe pati na 'yung established image ni Damond noong nasa inyo pa s'ya" sagot ko naman kay Felice.

"Oh, ba't nandito ka? Mago-audition ka? Kung hindi, layas ah" pambi-bwisit ni Damond sa tabi ko, kay Felice.

"He, shut up, Diamond, anong masama? Tatambay lang sandali eh," ganti naman nito kay Damond at umupo sa tabi ko. "Papayag ka naman 'di ba, Nashry?" Bumaling s'ya sa'kin at nag-puppy eyes.

"A-Ah, sige okay lang" Ang awkward lang dahil pinagigitnaan ko 'tong dalawang nag-aasaran.

"Ah, 'di ba mahal po 'tong violin? Pwede po kayang i-try 'to?" dinig kong sabi ni Emi. Paglingon ko, may kausap pala s'ya sa phone at mukhang tinatanong n'ya tungkol doon sa mga violin sa orchestral instruments section.

Sino naman 'yun?

Matapos 'yun, tahimik lang kaming naghintay sa mga mago-audition. Si Emi lang ang maririnig mong nagsasalita, dahil may kausap nga s'ya sa tawag. Maaga pa naman, kaya nakipag-kwentuhan muna ako kay Felice. "Kumusta nga pala sa section mo, Felice?"

"Hmm, masaya naman. Medyo ang hirap lang dahil karamihan ng repertoire namin, mahahabang pieces. Karamihan saamin mabababa ang grades sa repertoire" kwento ni Felice. I heard, piano major s'ya. Hindi ko alam kung paano mag-piano, pero madalas akong nakakakita ng piano sheets sa kabilang music room, at medyo nahihilo ako sa dami ng notang binabasa nila. "Ah, but there is someone who always aced the repertoire, and even the theory exams" dugtong ni Felice. Na-curious naman ako kung sino 'yun. I mean, acing both isn't that easy. Sa section yata namin, walang nakakagawa no'n. Whoever that was, he must be a gineus. "W-wow, sino?"

"Si Raid Matsumoto. Nakakatakot nga lang s'ya, dahil mean s'ya mag-critique. Marami saamin nagpapa-critique sakanya, dahil s'ya nga ang pinakamagaling sa klase, pero ang ilan, kagaya ko, ayoko, feeling ko madudurog 'yung ego ko sakanya"

Wow, those twin Matsumotos are really something.

"Kaklase ko 'yung kambal n'ya, and actually, isa rin sa top si Neuzin, and I can tell he's friendlier than Raid"

"Bakit ba Pinagkaka-interesan mo 'yang violin, ha?" Sabay-sabay kaming napatingin sa pumasok dito sa music room habang may hawak na phone na nakatapat sa tenga n'ya.

New SoundWhere stories live. Discover now