Chapter 17: Majoring

76 4 29
                                    

«Featured Arrangement»
「Time Travel」
By: Masaaki Kishibe

Nashry's PoV

"Hindi natin gagawin 'yon"

Sinabi ko kay Damond 'yung sinabi saakin ni Eirin three days ago. Hindi ko pa nga nae-explain sakanya kung anong pwedeng benefits ng pags-street perform namin, nakakontra na kaagad s'ya.

"Iwan na nga natin 'yang lalaki na 'yan. Kung ayaw mo, kami nalang," sabi naman ni Emi, at hinatak na ako palabas ng music room. "Palibhasa s'ya ang nakapag-suggest ng mayandang gawin, ikaw puro ka lang... ganyan. Ewan ko sa'yo"

Ganyan?

"'Ba, puro ka naman... gano'n. Akala mo hindi ko napapansin ah"

Gano'n?

"'La? Hoy, ina-appreciate ko lang 'yung music no'n," sagot pa ni Emi. "Dyan ka na ah. 'Wag kang susunod" dugtong pa ni Emi at tuluyan na kaming lumabas ng music room.

Papunta na kami sa last class namin this day. Music major. Ang buong pangalan ng subject is Introduction to Music, pero we used to call it Music major. Ang haba kase. Sabi ni Ms. Artfield, mahalaga daw ang araw na 'to, dahil start na ng 3rd grading period namin.

Wala pa akong clue kung anong mangyayari, pero nae-excite ako.

"Handa ka na sa majoring?" tanong saakin ni Emi habang naglalakad kami sa hallway.

"Majoring?" tanong ko, dahil wala akong idea kung anong sinasabi n'ya.

"Ah, hindi mo pa ba alam. Hayaan mo, mamaya, malalaman mo rin. Mas maganda na rin na kay Ms. Artfield mo nalang malaman"

Huh? Ang dami namang pinagsasasabi ng mga taong 'to ngayon na hindi ko maintindihan.

'Pag start ng klase, may nakahandang music stands, sheet musics, at iba-ibang instruments sa gitna ng room, habang nakapabilog ang mga upuan.

Mukhang may kung anong mabigat na mangyayari ah. Ba't nakahanda lahat 'to, dito?

"Today, we will assess your skills to your desired major instruments. Titignan natin kung kailangan n'yo pa ng extra classes o hindi na, and in order to assess that, we will ba having a rhythm and sightreading test"

Ito ba 'yung sinasabi ni Emi? Kaya n'ya ba ako tinatanong kung handa na ba ako? Dahil may assessment ngayon? Akala ko naman simpleng quiz lang ang mangyayari. Wala akong kamuwang-muwang na ganito palang klase ng assessment ang mangyayari.

"Oh, ngayon alam mo na. Alam mo namang sumasakit 'yung ulo ko dyan sa metronome, kaya nawawala ako sa rhythm, so... kinakabahan ako" sabi ni Emi.

Kinabahan na rin tuloy ako.

Sa ilang buwan namin inaaral ang music theory. We learned many things: Notes, key signatures, chords, chord progression, time signatures, rhythm, tempo. Natututunan ko naman, pero 'yun nga lang... "Ako naman, hirap akong mag-sightread"

Who knows? Kapag nawala ako sa track ng pagsa-sightread, I might lost the rhythm, at huminto.

Hindi pwede, baka mag-auto bagsak ako.

Maya-maya lang ay nag-start na ang assessment. Alphabetical ang pagkakasunod-sunod namin at habang hindi pa namin turn, nakaupo lang muna kami sa mga upuang nakabilog.

Ang tahimik sa room, tanging ang pag-click lang ng metronome ang naririnig na tunog at mga instrument ng kada nagpe-perform. Wala nang iba.

Hanggang sa dumating na sa letter H.

New SoundWhere stories live. Discover now