Pilot Chapter

222 12 15
                                    

Nashry Miyeru's PoV

"Ngumiti ka na!" sabay banat ko ng pisngi ng gwapong nilalang sa harap ko. Malimit s'yang walang emosyon sa mukha n'ya. 'Yung tipong hindi mo magagawang i-trace kung ano na kayang iniisip n'ya. May mga mata s'yang akala mo hinulma par magstay lang na gano'n. Maganda kung titignan, pero nakakatakot titigan. Bestfriend ko s'ya, and his name is Ryuji Yusuke. Half Japanese s'ya, pero dito sa Pilipinas lumaki. "Nashry, stop it. I have no reason to smile" bored n'yang sabi at tinanggal 'yung kamay ko sa pisngi n'ya. Oo gwapong nilalang nga s'ya, pero hindi n'ya ugaling numiti. Eh ayoko namang hindi s'ya nakangiti sa picture n'ya na gusto kong makuhanan ngayon, kaya 'eto ako, pinipilit parin s'ya.

Kahit na sanay na akong kasama s'ya, hindi ko parin maiwasan na tignan ang mga mata n'ya. Those was probably my most wanted part of his face. Nang mapansin kong nawiwili nanaman ako sa pagtingin sa mga mata n'ya ay bumalik ako sa pangungumbimsi. Gusto ko ng picture n'ya. "Basta magsmile ka! Last day naman na ng pagiging grade 10 natin eh. Para kang ewan sa mga picture mo"

Hindi naman s'ya ganito dati. 'Yung parang ang daming pinapasang hinanakit sa mundo, kaya pati ang pagngiti hindi na magawa. Yes, I know him for too long, but learning about his life and him inside are the mysteries of him that I can't decipher. He kept inside all the reasons of his sadness, sorrow, moodswings and all of his hidden emotions.

Hindi ko alam kung bakit. And he is this secretive for me to not know all of those.

"No. You know how much I hate pictures, right?" inis n'yang sabi. "Pero-" Kokontrahin ko pa nga sana s'ya, kaso bigla naman n'ya akong nilayasan.

"You should. This whole year has been my longest year that I had been with you. I need to treasure this" sabi ko tsaka naglabas ng camera. Bakit ba kase ang damot n'ya sa pagngiti?

"Still no. Convincing me will do nothing. I need silence to think about many things, so please" at nagpatuloy s'ya sa paglalakad. Am I too loud for him to say that or he just want to avoid my camera? Tss. This handsome guy...

"Oy! Wala namang ganynan oh. Para picture lang naman" I called out. He stopped walking making me feel the excitement to use my camera with the thought of finally winning his picture. Ayiee, papayag naman pala. Pabebe pa. "Fine" maikli n'yang sabi at naglakad pabalik sa'kin.

Habang papalapit s'ya ay mas lalo akong nae-excite habang unti-unting lumalawak ang ngiti ko.

Nagulat naman ako nang bigla s'yang tumakbo at inagaw ang camera sa'kin. Inakbayan n'ya ako, ngumiti at nag-pose at *click*. Ang bilis ng pangyayari pero ang mahalaga...

May picture na ako nang nakangiti s'ya!

At kasama pa ako.

Napatingin ako sa mga mata n'ya pagkatapos makuhanan nung picture na 'yon. Balik nanaman sa normal. Hay. Wala nanaman s'yang ka-emo-emosyon.

"Bakit palagi nalang walang buhay 'yung mga mata mo? May... problema ka ba kaya ka ganyan?" Then I made an eye contact again.

"I can't tell you anything about it. Telling you why is a larger one" Mahina pero may pait sa tono n'ya nang sabihin n'ya 'yon. "Sorry if it doesn't answer your question" May lungkot. Sigurado akong nakarinig ako ng lungkot sa boses n'ya, at... sigurado rin akong malungkot ang mga mata n'ya.

Finally. He's showing emotions. Mas naga-alala kase ako sa tao kapag hindi nagpapakita ng kahinaan katulad nitong si Ryuji.

I'm glad he's finally doing it.

"Nashry, let's just put it this way" He held both of my hands and squeeze it gently. Hindi ko parin inalis 'yung tingin ko sakanya, dahil hindi ko alam kung ano talagang tumatakbo sa isip n'ya ngayon. Bakit ba s'ya malungkot?

"I maybe too young to feel this way, so take my words as a promise that I will return, instead of feelings. I like you Nashry, and in the right time, that promise will finally become my feelings for the girl in front of me"

Nakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso ko sa di malamang dahilan. Hindi ko masyadong naintindihan 'yung sinabi n'ya, pero parang iba ata ang interpretation ng puso ko eh.

Pero ang malinaw na malinaw,

'I like you'

Kaya lang ano namang ibig n'yang sabihin sa 'as a promise that I will return' ?

"R-return?" Paguulit ko sa sinabi n'ya.

"Yeah" He lean forward then he gently kiss me in my forehead. He wrap his arms onto my body and lean his head on my left shoulder.

"So hold on, okay?" he said as I felt something wet soak my shoulder.

He's crying...

-------

New SoundWhere stories live. Discover now