Chapter 4: Mr. Cactus

128 9 12
                                    

«Featured Song»
「I Want Crazy」
By: Hunter Hayes

Nashry's PoV

"Mr. Cactus" tawag ko doon sa lalaking naghahanap kay Yuki Hikumi.

Hindi Cactus 'yung pangalan n'ya, pero gano'n ko nalang s'ya tinawag, dahil 'yon ang sabi n'ya. Hehe, nasabi n'ya naman kanina kung ano talagang pangalan n'ya habang nagda-drive s'ya, pero no'ng hindi ko naintindihan, doon n'ya na si-nuggest na Cactus nalang ang itawag ko sakanya.

|•|Flashback|•|

"What's your name?" tanong ko sa lalaking naghahanap kay Yuki.

Kanina pa tahimik ang byahe namin. Medyo kinahabahan parin nga ako sa naging desisyon kong sumama sakanya, kaya siguro mas okay na kilalanin ko nalang muna s'ya, para malaman ko kung mapagkakatiwalaan nga ba sya.

"Hiro Sakamoto" sagot n'ya sa'kin habang walang kaemo-emosyon na nakatingin sa dinadaanan namin.

Mukha talaga s'yang masungit sa kahit anong anggulo. Ang tipid n'ya ring magsalita. Hindi ko tuloy maisip kung pa'no ko s'ya makaka-usap ng mas matino-tino naman.

At isa pa, bakit parang japanese 'ata ang pagkakarinig ko sa pangalan n'ya? Kaso, hindi ko naintindihan. "A-again?"

"Fine. Call me Mr. Cactus instead" sabi nalang n'ya habang hindi parin inaalis ang tingin sa dinadaanan namin. Hindi rin nabago ang expression n'ya.

On the other hand, napangiti ako dahil sa sinabi n'ya. Ang cute naman. Bakit sa lahat ng pwedeng itawag eh cactus pa ang napili n'ya?

|•|End of Flashback|•|

Kabababa lang namin dito sa tapat ng dating bakanteng bahay sa tabi ng bahay ko. Hindi ko alam kung dito nakatira 'yung Yuki na 'yon, pero dito na siguro ang pinaka probable, dahil ito lang naman 'ata ang bakante sa lugar namin.

"Yeah?" at lumapit sa'kin si Mr. Cactus. "So, where his house maybe in here?" tanong n'ya tsaka inilibot ang tingin.

"Uhm, I think... there" sagot ko at tinuro 'yung 'yung bahay na katabi ng bahay ko.

"Come" tapos ay hinawakan ni Mr. Cactus 'yung kamay ko at hinatak papalapit doon sa bahay na tinuro ko.

Bigla akong napangiti nung may maalala ako at parang gusto kong matawa. Cactus huh.

"Haha, hindi ako natusok" sabi ko habang nagpipigil ng tawa. Baka kase magalit si Mr. Cactus eh. Nakakatakot pa naman s'ya. Hindi pa s'ya ngumingiti kanina hanggang ngayon, tapos hindi rin s'ya masyadong nagsasalita. Idadag pa na ang seryoso n'ya tignan palagi. Kahit na gano'n, makikita mo parin talaga ang kagwapuhan n'ya.

Kaya nga ganun nalang 'yung gulat ko nung marinig ko 'yung mahina n'yang tawa. "Haha, Maybe because I'm a thornless kind of cactus"

Tokwa lalong na-emphasize ang kagwapuhan n'ya! Pero nakakagulat. Hindi ko in-expect na sasakay s'ya sa joke ko, kase una at pinakahuli, tagalog 'yun! Akala ko ba hindi s'ya marunong umintindi at magsalita ng tagalog? Pero, hindi ko nalang masyadong inisip, baka naman nakaka-intindi s'ya talaga ng konti. Isa pa, at least tumawa na s'ya.

New SoundWhere stories live. Discover now